December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘I miss you guys!’ Richard Gomez, naiyak sa pagharap sa media

‘I miss you guys!’ Richard Gomez, naiyak sa pagharap sa media
Photo courtesy: Screenshot from MJ Marfori/News5 (IG)

Naging emosyunal ang aktor at Leyte 4th District Representative na si Richard Gomez nang muli siyang humarap sa press, para sa media conference ng pelikulang "Salvageland."

Hindi napigilan ni Goma na hindi mapaiyak nang palibutan ng mga miyembro ng media at kumustahin.

"Naiiyak ako," ani Goma.

"I miss you guys! Na-miss ko kayo talaga eh! Na-miss ko talaga kayo! Sobrang tagal kong artista 'di ba?"

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Paliwanag ng aktor, masarap sa pakiramdam na muling makaharap ang mga dating katrabaho sa industriya.

Natanong naman si Goma kung alin ang mas masaya at ano ang pinagkaiba ng pagiging artista at politiko. Anang Goma, mas masarap o masaya raw sa pakiramdam ang maging politiko kapag nasa distrito, lalo't kapag naibibigay na ang mga serbisyo para sa mga kababayan.

Matatandaang noong Agosto ay naging kontrobersiyal ang Facebook post ni Goma nang sitahin niya ang "media spin" umano sa kaniya, nang maugnay sa maanomalyang flood control projects.

"Mahal din itong media spin na ginagawa nila against me. Look at the similarities of the different socmeds and agencies asking questions. Alam na alam mong merong nagkukumpas. Alam na alam mong ginastusan. Ayus ahhhh. Gastos pa more mga ungas," ani Gomez sa kaniyang Facebook post.

Photo courtesy: Richard Gomez/FB

Ibinalandra ni Gomez ang pangalan at numero ng mga mamamahayag na nais lamang siyang hingian ng panig ukol sa flood control projects sa Leyte.

Sinita naman ni Antipolo City 1st District Rep. Ronnie Puno ang pagpo-post ni Gomez sa screenshots ng mensahe ng paghingi ng permiso sa kaniya ng media practitioners para lang hingin ang panig niya sa isyu.

Sa pagharap ni Puno sa media noong Agosto 29, 2025, iginiit niyang dapat daw magkaroon ng ethics complaint si Goma dahil sa mga iniladlad nitong pangalan at cellphone numbers ng mga reporter.

“Yeah absolutely, absolutely. I encourage you to bring it before the ethics committee here… Hindi naman pwede yung mga ganun,” ani Puno.

Paglilinaw pa niya, “You are asked to explain something, you are a legislator, you explain. Kaya tayo naging legislator dahil ang tingin ng tao marunong tayong magpaliwanag. Tapos yung ganyan na personal na, napakalinaw na kailangan mong ipaliwanag , hindi niya gagawin.”

KAUGNAY NA BALITA: 'Dahil sa socmed post?' Goma, posibleng patawan ng 'ethics complaint'

Agad namang kumambyo si Goma sa livestream ng House of Representatives (HOR) noong Setyembre 2 at humingi ng paumanhin sa media.

“Thank you for this opportunity to defend myself and clarify some facts. To the members of the press, who took offense in my social media post, I sincerely apologize,” aniya.

“Sensitive information has been removed. I understand that the media endeavors to get my side of the story. I acknowledge your efforts, I’m sorry, and I could have handled it better,” dagdag pa niya.

KAUGNAY NA BALITA: Rep. Richard Gomez kumambyo, nag-sorry sa mga mamamahayag

Bagama't hindi nagbura ng post, inalis naman ng aktor-politiko ang screenshots ng mga pangalan at pagkakakilanlan ng mga mamamahayag na humingi ng panig niya sa isyu. 

Inirerekomendang balita