Minamataan ngayon ang magiging pananalasa ng Hurricane ‘Melissa’ na kasalukuyan pang nasa Caribbean Sea, may wind speed na 175mph (282km/h) at may lakas bilang category five (5) na bagyo.
Ayon sa mga pang-internasyonal na ulat, inaasahang magla-landfall ang Hurricane Melissa ngayong Martes sa Caribbean island partikular sa hilagang bahagi ng bansang Jamaica.
Bukod dito, may mga naitala na umanong mga nasawi sa mga bansang Haiti, the Dominican Republic, at Jamaica.
Nagbigay rin ng babala ang mga eksperto na asahan ang matagal na pananalasa ng torrential rain dahil sa mabagal nitong pag-usad.
Samantala, ayon sa tala ng US-based National Hurricane Center (NHC), na nakasubaybay sa Hurricane Melissa, sinabi nilang ito na ang maituturing na pinakamalakas na bagyo mula noong simula ng taong 2025 batay sa malakas na hangin at low central pressure na dala-dala nito.
Ayon naman sa ibinahaging larawan ng Cooperative Institute for Research in the Atmosphere sa kanilang Facebook nito ring Martes, makikita ang kabuuang lawak ng Hurricane Melissa.
Photo courtesy: Cooperative Institute for Research in the Atmosphere (FB)
Mc Vincent Mirabuna/Balita