Pinabulaanan ng aktor na si Raymart Santiago ang mga akusasyon laban sa kaniya ng dating mother-in-law na si Inday Barretto na umano'y nakakaranas ng pisikal, verbal, at sekswal na abuso mula sa kaniya ang estranged wife na si Claudine Barretto.
Matatandaang sa panayam ni Ogie Diaz kay Inday, idinetalye ng huli kung ano raw ang naging epekto kay Claudine ng mga umano'y naranasan ng anak sa kaniyang dating manugang.
Bagay na pinasinungalingan naman ni Raymart, unang-una, sa pamamagitan ng kaniyang legal counsels na si Atty. Howard Calleja at Atty. Katrin Jessica Distor-Guinigundo.
"It's very unfortunate that Mrs. [Inday Barretto] opted to resort to publicity to spread this untruthful and slanderous narrative about our client and his marriage with Ms. Claudine Barretto (Ms. Claudine), who has likewise repeatedly exploited social media and sought recourse through trial by publicity to discredit our client's name and reputation," mababasa sa inilabas na opisyal na pahayag ng law firm.
Dagdag pa, “It appears that the root of Mrs. Barretto’s outrage is the conjugal land sold by Ms. Claudine three years ago absent the knowledge and consent of our client. Our client refuses to partake in any dispute involving, or irregularity of Ms. Claudine and her cohorts may have committed."
"To reiterate, we remind Ms. Claudine, her family, and agents that there is an existing Gag Order issued by the Family Court, Branch 5 of Mandaluyong City, as early as September 20, 2023, which our client has faithfully complieds with, having kept his peace all these years."
“It is his hope that Ms. Claudine, her family, and agents would do the same, out of respect for the courts of justice and more importantly, for the sake of their children."
“Finally, let this be a final warning that any utterances in contravention of the law shall be dealt with before the appropriate forum to protect our client’s rights and to preserve his interests.”
Nitong Lunes, Oktubre 27, sa serye ng Instagram stories ay naglabas naman ng personal statement niya si Raymart.
iretsahan niyang pinabubulaanan ang pananakit kay Claudine at iba pang mga pinakawalang rebelasyon mula sa panayam ng showbiz insider na si Ogie Diaz.
"Ilang araw ko rin pinagisipan kung kailangan ko pa bang personal na magsalita."
"Kahit mas matimbang sa akin na manahimik na lang, siguro ay kailangan ko rin ilabas kahit paano ang aking saloobin para sa aking kapayapaan."
"Sa loob ng halos labintatlong taon, pinili kong manahimik at idaan ang lahat sa tamang proseso."
"Naging mahirap ito dahil ang pangalan na iningatan at ipinamana ng aking mga magulang ay nadungisan dahil sa mga kasinungalingan at maling akusasyon."
"Masakit, dahil may mga anak kaming nakakaintindi na at naaapektuhan ng kanilang mga naririnig at nababasa sa media."
"Nakakadismaya, dahil kung makapagsalita ang iba ay akala mong naging bahagi sila ng aming buhay at ang lahat ay alam nila," mababasa sa pahayag ni Raymart.
"Kahit na ganon, alam ko na ang pananahimik ang mas makabubuti para sa aming kanya-kanyang pamilya at mga anak.
"At alam ko at ng mga tunay na nakakakilala sa amin ang katotohanan," aniya pa.
Sa totoo lang daw ay nagulat si Raymart sa mga binitiwang kuwento ng dating biyenan, na minsan na raw nag-sorry sa kaniya noon subalit ngayon ay tila naglalabas umano ng mga kasinungalingan.
Saad ni Raymart, tumupad daw siya sa naging pangako niya sa namayapang ama ni Claudine na si Miguel Barretto, at bagama't hindi rw perpekto ang pagsasama nila ni Claudine noon, hindi raw niya magagawa sa kaniya ang mga ibinibintang ng ina nito.
"Hindi kaila sa akin ang paninira at nakasusuklam na akusasyon ni Mommy Inday, ang taong nirespeto, minahal at tinuring kong pangalawang ina."
"Pero nakagugulat, dahil yung tao na dapat na higit na nakakikilala sa kanyang anak, ang taong siya mismong walang humpay sa paghingi ng paumanhin sa akin nuong mga nagdaang panahon ay siya ngayong nagbibitaw ng mga kasinungalingan."
"Hindi ko lubos maisip kung paano nila nasisikmurang humarap sa publiko at ipahiya ang kanilang sariling pamilya at harap harapang manira ng ibang tao."
"Hindi man naging perpekto ang aming pagsasama, malinaw sa aking konsensya na kailanman ay hindi ko nagawa o magagawa ang mga paratang nila."
"Tinupad ko ang pangako ko sa kanila ni Daddy Pikey [Miguel Barretto]. Kahit na sarili ko ay tinaya ko para maprotektahan lang ang anak nila."
"Higit sa lahat, mahal na mahal ko ang aking mga anak at binigay ko ang higit pa sa nararapat."
May pakiusap naman din ang aktor sa publiko na patuloy na pinupulutan sa tsismisan ang tungkol dito.
"Naiintindihan ko na kami ay 'public figures' at inaasahang tatanggapin ang bawat komento at kritisismo."
"Ngunit sa pagkakataong ito, hindi naman siguro kalabisan na hilingin ko na ang bawat isa ay umiwas sa pagpapahayag ng mga bagay na maaaring makasakit at makasama sa kapakanan ng bawat isa, lalo na sa aming mga anak at sa kanilang kinabukasan."
"Sa bandang huli, mas pipiliin ko pa rin ang respeto at na ipaubaya sa panahon na siyang humusga at maghayag ng katotohanan," aniya pa.
KAUGNAY NA BALITA: 'Nakakadismaya!' Raymart Santiago umalma sa 'paninira, nakasusuklam na akusasyon' ni Inday Barretto
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Inday o ni Claudine tungkol sa isyu.