December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Derek dinikdik online site na nagsabing enjoy siya sa single life: 'Out of the country pala ang Cavite!'

Derek dinikdik online site na nagsabing enjoy siya sa single life: 'Out of the country pala ang Cavite!'
Photo courtesy: Derek Ramsay/IG

Agad na binasag ng aktor na si Derek Ramsay ang kaniyang katahimikan at diretsahang pinatutsadahan ang isang online site sa social media matapos sabihing enjoy umano siya sa single life at kasalukuyang out of the country.

Sa isang post sa kaniyang Instagram Stories, binanatan ni Derek ang maling impormasyon na inilabas ng naturang outlet kung saan mababasang siya ay nasa ibang bansa.

“Out of the country pala ang Cavite!” ani Derek.

Photo courtesy: Screenshot from Derek Ramsay/IG

Tsika at Intriga

AJ Raval, nag-throwback sa pagiging batang ina, may b-day greeting sa panganay niya

Ang naturang post ay mabilis na pinag-usapan lalo na’t mainit pa rin ang usapin tungkol sa umano’y hiwalayan nila ng kaniyang misis na si Ellen Adarna.

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan nang mapansin ng mga netizen na inalis na ni Ellen ang apelyidong “Ramsay” sa kanyang Instagram account. Higit pang umigting ang espekulasyon nang hindi makita si Derek sa birthday party ng anak ni Ellen, si Liania, kamakailan lamang.

KAUGNAY NA BALITA: Sey mo Derek? Apelyidong 'Ramsay' waley na raw sa IG account ni Ellen, netizens naintriga!-Balita

Ayon sa kaniyang misis na si Ellen Adarna, pinadalhan umano nila ng invitation si Derek, ngunit hindi nila alam kung bakit hindi ito sumipot.

KAUGNAY NA BALITA: Ellen sa urirat bakit wala si Derek sa b-day ni Liana: 'Pinadalhan naman siya ng invitation, ‘di pumunta!’-Balita

Pero noong Lunes, Oktubre 27, ibinahagi ni Derek sa Instagram ang bonding moment nila ng anak.

KAUGNAY NA BALITA: Matapos 'di sumipot sa b-day: Derek, nakipag-bonding sa anak na si Liana

Gayunpaman, nanatiling tikom ang bibig ng dalawa hinggil sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Habang walang direktang kumpirmasyon mula kina Derek at Ellen, patuloy naman ang mga haka-haka ng netizens sa social media.