Walang pag-aalinlangang inamin ni Kapamilya star at dating Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition housemate Xyriel Manabat na ipinaretoke niya ang kaniyang ilong.
Sa ibinahaging Instagram post ni Xyriel noong Linggo, Oktubre 26, tahasan niyang nilinaw sa isang netizen na retokada raw ang kaniyang ilong, salungat sa komento nitong siya raw ay “no retoke.”
“Pure beauty no retoke, sharawwwt team raht-bo,” saad ng netizen.
“[R]etokada po ilong ko,” sagot naman ni Xyriel.
Hindi nagpaawat ang nasabing netizen at sumagot pa matapos magkomento si Xyriel, na ‘di naman din pinalampas ng aktres.
“ayy soriii naman hdi ko kase hilig mangalkal ng isue haha,” anang netizen.
“its okay compliment po yan for me LABYU HAHAHAHAHA THANKS,” ani Xyriel.
Nagpahaging din ang ilang netizens sa umano’y “shady” comment ng naturang netizen.
“Issue ba talaga pag retokada yung tao??”
“Hindi hilig mangalkal ng issue? Eh bat may pinapatamaan ka sa comment mo?”
“ntawakels ko xyrielmanabat_ Yung pinupuri ka Ng mapagkunwaring fan kasi shady ahahah Ayan SAPUL!N AKAKAHIYA maging BASHER”
“hindi isyu mga inggit lang kase yan walang pera”
“Dapat ba mainggit sa Isang basher? at least napatawa mko...imagine supal2 ka kagad”
“Wang Kanang Manghostga sa tao tigna mo ssrili Hindi ka naman gwpo”
Nagkomento rin ng pagsuporta ang mga dating co-housemates ni Xyriel na sina Josh Ford, AZ Martinez, at Kira Balinger.
Photo courtesy: Xyriel Manabat/IG
Matatandaang isa si Xyriel sa mga dating PBB Celebrity Collab Edition housemates na gaganap sa “The Secrets of Hotel 88,” isang thrilling series na binuo ng GMA at ABS-CBN, na inaasahang ipapalabas sa 2026.
KAUGNAY NA BALITA: Bagong collab ng GMA, ABS-CBN pagbibidahan ng ilang PBB housemates; netizens excited!-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA