Nagbigay ng reaksiyon si Senador Robin Padilla kaugnay sa “No Gift Policy” na ipinatupad ni Naga City Mayor Leni Robredo sa siyudad na nasasakupan nito.
Sa isang Facebook post ni Padilla nitong Lunes, Oktubre 27, inihalintulad niya si Robredo kay Vice President Sara Duterte.
Aniya, “Ganito rin si VP Inday Sara Duterte. Paulit-ulit na sinasabi ng staff niya sa lahat ng aming pinupuntahan sa abroad. No gift policy.”
Kaya pakiusap ng senador, huwag daw sanang sumama ang loob ng mga tinatanggihan niyang nag-aabot.
“Ganon din po sa mga nais manglibre sa restaurant, hindi po ako isnub, natural lang po na hindi ako pumayag kapag sinasabi na ilibre kıta,” dugtong pa niya.
Ipinatupad ni Robredo ang nasabing polisiya sa lahat ng tanggapan sa Naga upang maiwasan ang korupsiyon at conflict of interest.
Maki-Balita: Mayor Leni Robredo, ikinasa panukalang 'No Gift Policy' sa mga opisina sa Naga