January 07, 2026

Home BALITA Probinsya

Pekeng CIDG officer na nagtangkang mangikil nasakote!

Pekeng CIDG officer na nagtangkang mangikil nasakote!
Photo courtesy: Pexels

Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking nagpanggap umanong miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) upang makapangikil. sa Quezon.

Ayon sa mga ulat isang babae ang sumangguni CIDG hinggil sa pangungulit umano sa kaniya ng suspek na magbayad ng ₱5,000.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagpakilala ang suspek sa babaeng biktima bilang miyembro ng CIDG at nangako umanong tutulungan ang biktima na makapagsampa ng reklamo.

Pagsisiguro umano ng suspek sa biktima, kung babayaran daw siya nito ay siya na mismo ang tatrabaho sa kasong gustong iakyat ng biktima sa legal na usapin. 

Probinsya

Curious lang daw! Bagger sa mall, arestado dahil nandekwat ng condom

Samantala, nagsimula na raw magsuspetya laban sa suspek dahil sa pangungulit nito na maibigay na sa kaniya ang ₱5,000.

Bunsod nito doon na raw nagpasya ang biktima na iberipika ang suspek kung tunay siyang kasapi ng CIDG, hanggang sa matuklasan niyang hindi itio kasapi ng nasabing ahensya at maging ng Philippine National Police 

(PNP).

Sa pamamagitan ng entrapment operation na ikinasa ng CIDG nasakote ang suspek na malinaw umanong may paglabag sa Article 294 (Robbery/Extortion) at Article 177 (Usurpation of Authority or Official Functions) ng Revised Penal Code. 

Narekober naman sa suspek ang mga pekeng CIDG ID na pinaniniwalaang ginagamit niya sa kaniyang modus upang makapambiktima.