December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Ogie Diaz tumalak kay Sassa Gurl matapos murahin MTRCB: 'Di puwedeng daanin sa gano'n!'

Ogie Diaz tumalak kay Sassa Gurl matapos murahin MTRCB: 'Di puwedeng daanin sa gano'n!'
Photo Courtesy: Ogie Diaz, Sassa Gurl (FB)

Bumoses si showbiz insider Ogie Diaz kaugnay sa pagmumura ni social media personality Sasa Gurl sa Movie Television Review and Classification Board (MTRCB). 

Matatandaang nangyari ito matapos bigyan ng MTRCB ng X rating ang “Dreamboi,” isang pelikulang nagtatampok sa kuwento ng isang transwoman.

Kaya sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Linggo, Oktubre 26, sinabi ni Ogie na hindi okay ang pagmumura ni Sasa kahit tila pinuri ng iba ang ginawa nito.

“Siguro okay ‘yon sa inyong mga naroroon. Pero sa mga makakapanood, hindi. Kasi bilang bahagi ng LGBTQ community, parang hindi natin puwedeng daanin sa gano’n na tatalak na lang,” saad ni Ogie.

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

Dagdag pa niya, “Kaya nga mayro’ng censorship, e. Kaya nga mayro’n kaming classification, e. Ikaw kaya umupo rito. Tingnan mo kung mabibigyan mo ng PG ‘yan o G.”

Samantala, binawi rin naman ng MTRCB ang nauna nilang rating sa Dreamboi ni Rodina Singh matapos ang pangatlong apela nito sa ahensya.

“Thank you everyone for believing in the politics of our film. Masakit na kailangan nating mag-adjust, pero sigurado tayo—hindi pwedeng hindi sinehan. Salamat sa pagsama sa aming laban,” saad X post ng Dreamboi.