December 13, 2025

Home BALITA National

DMW, sinibak ang higit 70K social media accounts na sangkot sa illegal recruitment

DMW, sinibak ang higit 70K social media accounts na sangkot sa illegal recruitment
Photo courtesy: Department of Migrant Workers (FB, website)

Ipinasibak na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang higit 70,000 social media accounts na sangkot umano sa illegal online recruitment ng mga Pinoy sa mga scam hub sa Myanmar, Laos, at Cambodia. 

Sa press briefing ng DMW nitong Lunes, Oktubre 27, binanggit ng ahensya na ang nasabing bilang ng mga account na ipinatanggal ay mula sa Facebook at TikTok. 

“As of today, more than 70,000 na po ‘yong posts na ating na-request for takedown, combined from TikTok and Facebook na na-takedown natin,” saad ni DMW Usec. Bernard Olalia. 

Ipinaliwanag niya na mayroon ding isinasagawa na 24/7 active online surveillance para bantayan ang mga online recruitment sa Asya. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“There is an ongoing 24/7 active online surveillance, mayroon tayong dedicated office and staff na tumitingin po sa lahat, online. Kapag nakita natin na ‘yong ino-offer nila na employment opportunities pertains to these scam hubs sa Asia, we request for an active takedown,” aniya. 

Bukod pa rito, masusi ring nag-iimbestiga ang DMW kasama ang Bureau of Immigration (BI) dahil sa umano’y kaugnayan ng ilang personnel ng BI sa illegal recruitment. 

Binanggit naman ni DMW Sec. Hans Leo Cacdac na inaasahan pa ng DMW ang posibleng pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na maililigtas mula sa mga scam hub sa Myanmar kamakailan 

“We are still confirming the exact number non’g lumabas mula sa KK Park in light of the operations. Pero hindi natin inaasahan na malalayo na sa pigurang, maybe, around, 200 to 300 ito. Inaalam pa natin ‘yong exact numbers nila,” paliwanag ni Cacdac. 

Sa kaugnay na ulat, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 222 ang kasalukuyang bilang ng mga Pinoy na humingi ng repatriation assistance mula sa gobyerno, mula sa mga scam hub sa Myanmar. 

66 daw dito ay nakatawid na sa Thailand at siyam naman ang nakabyahe na sa Yangon at nasa ilalim na ng kustodiya ng embahada. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘Tulong!’ Higit 200 Pinoy, nagpapasaklolo mula sa scam hub sa Myanmar

Sean Antonio/BALITA