December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

Cong. Atienza, pansamantalang ihihinto mga social media live broadcast bilang pagluluksa sa pagpanaw ng apo

Cong. Atienza, pansamantalang ihihinto mga social media live broadcast bilang pagluluksa sa pagpanaw ng apo
Photo courtesy: Chi Atienza (FB), Lito Atienza (FB)

Inanunsyo ng team ni dating Manila City Mayor at Deputy Speaker Cong. Lito Atienza ang pansamantalang paghinto ng kaniyang mga live broadcast sa social media bilang pagluluksa sa pagpanaw ng kaniyang apo na si Emman Atienza. 

“We would like to inform everyone that Cong. Lito Atienza will be taking a pause from his regular Facebook live broadcasts as the Atienza family is currently going through a difficult time following the passing of his beloved granddaughter, Emman Atienza,” saad sa Facebook post ni Cong. Lito nito Lunes, Oktubre 27. 

Dito ay nanawagan din ang team ng pag-intindi, panalangin, at respeto sa privacy ng pamilya habang sila ay nagluluksa. 

“We sincerely ask for your understanding, prayers, and respect for their privacy during this period of mourning. Thank you for your continued support and compassion,” panawagan ng team. 

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Photo courtesy: Lito Atienza (FB)

Sa kaugnay na ulat, kinumpirma ni GMA Trivia Master Kuya Kim Atienza ang pagpanaw ng kaniyang anak noong Biyernes, Oktubre 24. 

KAUGNAY NA BALITA: Kuya Kim, kinumpirma pagpanaw ng anak niyang si Emman Atienza

Matatandaang nanawagan din si Kuya Kim sa kaniyang social media ng pag-unawa mula sa netizens matapos ang kaniyang anunsyo. 

“Compassion, courage, and a little extra kindness in your everyday life,” aniya. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Be kind!' Kuya Kim, ibinahagi kung bakit may butterfly tattoo sa likod ng tenga si Emman

Sean Antonio/BALITA