Pinasalamatan ni rank no. 3 sa World Nineball Tour (WNT) Carlo “Black Tiger” Biado si Putch Puyat sa pagbibigay nito ng ₱1,000,000 sa kaniya dahil umano sa pagkapanalo niya sa World Pool Championship at pagiging Hall of Fame.
Ayon sa ibinahaging post ni Biado sa kaniyang Facebook nitong Lunes, Oktubre 27, makikita sa mga larawan ang pagbibigay sa kaniya ni Puyat ng nasabing halaga.
“I would like to thank Mr. Putch Puyat (Puyat Sport Inc) our Godfather in billiard sports for rewarding me of 1M php sa pagkapanalo ko sa World Pool Championship at sa pagiging inducted bilang Hall of Fame,” pagsisimula ni Biado.
Photo courtesy: Carlo Biado World Champs TV (FB)
Pagpapatuloy pa ni Black Tiger, malaking tulong ang ibinigay na halaga ni Puyat sa kaniyang pamilya.
“Napaka laking blessing po ito para sa pamilya ko. Lagi ko po ilalagay sa tama ang lahat ng aking mga pinaghirapan katulad ng lagi nyong bilin sa akin,” saad niya.
Ani Biado, hindi mabubuhay ang mundo ng bilyar sa bansa at ang katatapos lang na Reyes Cup kung hindi dahil kay Puyat.
“Salamat din po Sir Puyat kasi kung hindi dahil sa inyo hindi ulit mabubuhay ang bilyar at mabubuo ang Reyes Cup. Salamat din at naging parte ako ng simula nito. Sana ay maging isa akong inspirasyon sa inyong lahat na nangarap maging World Champion at nagsumikap para sa pamilya,” anang World Champ.
“Know your goal. Dream big, make it happen,” pagtatapos pa niya.
MAKI-BALITA: ‘Malayo mararating ng bata!’ Carlo Biado, tiwalang magiging world champion si AJ Manas sa hinaharap!
MAKI-BALITA: AJ Manas, naharang si Carlo Biado sa Philippines Open Pool!
Mc Vincent Mirabuna/Balita