January 26, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Mga antigong gamit sa bahay na kalimitang tinitirhan ng mga kaluluwa

ALAMIN: Mga antigong gamit sa bahay na kalimitang tinitirhan ng mga kaluluwa

Sa kabila ng pagiging moderno at pagiging makabago ng mga kagamitan sa bahay, tila may kakaibang halaga pa rin ang mga antigong muwebles at gamit na kayang makipagsabayan. 

Mga kagamitang kalimitang nasa isang sulok ng bahay, sa isang nakakandadong kuwarto, sa pagitan ng maalikabok na espasyo—nakalagak ang mga antigong gamit na binabalot ng mga nakapangingilabot ng kuwento.

Mga lumang tukador

Isa ang tukador sa pinaniniwalaang antigong gamit na maaaring tirahan o hindi naman kaya ay daanan ng mga kaluluwa. Paniniwala ng ilan, karamihan ng mga tukador ay mayroong malaking salamin. Ito raw ang nagsisilibing “portal” o daanan ng mga kaluluwa, kung kaya naman marapat lamang na tinatakpan ito ng tela lalo na kung may nakaburol sa isang bahay.

Human-Interest

ALAMIN: Paano ititigil ang procrastination?

Pinaniniwalaan ding nananatiling konektado ito sa kaluluwa ng isang yumaong nagmamay-ari dito lalo na kung doon malimit itinatago ang ilang mahahalagang gamit noong siya ay nabubuhay pa.

Antigong Kama

Sinong mag-aakala na maging ang kama na dapat sana’y pahingahan na lang ay may binabalot din palang kilabot?

Ayon sa sinaunang paniniwala, dahil madalas itong ginagamit araw-araw, naiipon daw ito ang mga "enerhiya" ng dating natulog o namatay na sa nasabing kama. Madali umanong mararamdaman ang kilabot ng isang antigong kama sa tuwing pagsapit ng gabi. Kung saan may bigla-bigla na lamang lulubog ang bahagi ng kama na para bang may gustong umupo o humiga dito kahit hindi naman okupado.

Lumang orasan

Hindi lamang nagtatapos sa alas-3:00 ng umaga ang kuwentong katatakutan ng mga orasan,

May mga paniniwala kasing maaaring huminto ang pagtakbo ng orasan kung kailan ang oras ng pagkamatay ng minsan ng nagmay-ari dito. At kapag na-tiyempuhan mo ito maaari na raw nitong higupin ang kaluluwa mo.

Lumang larawan

Kumupas man ang mga larawang nakasabit sa dingding o hindi naman kaya’y nakatago sa isang limot na photo album maraming paniniwalang nagsasabing ilang kaluluwa ang piniliping maglagi roon, kung saan mananatili umanong buhay ang kanilang mga ala-ala.

Tomba-tomba o rocking chair

Katulad ng isang antigong kama na minsang nagbigay pahinga, pinaniniwalaang nananatili rito ang kaululuwa ng isang yumaong minsan nang gumamit nito. Binabalikan at kusang gumagalaw na para bang naghihintay lang sa isang tabi na muli silang maalala.