January 26, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Anong mga bulaklak ang kadalasang dinadala ng sementeryo tuwing Undas?

ALAMIN: Anong mga bulaklak ang kadalasang dinadala ng sementeryo tuwing Undas?
Photo courtesy: Pexels

Ang Undas ang panahon ng pagsasama-sama ng mga pamilya para gunitain at bigyang-pagpapahalaga ang alaala ng mga yumaong kaanak. 

Sa panahon na ito, dinadagsa ng maraming pamilyang Pinoy ang mga sementeryo at columbaryo para mag-iwan ng mga alay sa puntod ng namayapa. 

Depende sa paniniwala, habang ang ilan ay nag-aalay ng pagkain o kandila, ang bulaklak ang tila hindi nawawala sa maraming pamilya, dahil bukod sa buhay at kulay na nalalagay nito sa puntod, para sa iba, ang bawat bulaklak ay may espesyal din na kahulugan. 

Dahil dito, narito ang ilang uri ng bulaklak na kadalasang bumebenta tuwing panahon ng Undas at ang special meaning sa likod ng mga ito: 

Human-Interest

ALAMIN: Paano ititigil ang procrastination?

1. Orchid 

Para sa mga gusto ipahatid ang mensahe ng lubos at pagmamahal, habang nilalagyan ng “unique touch” ang puntod ng kaanak, mainam na isama ang orchid sa flower arrangement dahil sa simbolo nitong “eternal love” o walang kamatayang pag-ibig. 

Kadalasan, pink o white orchid ang ginagamit sa mga puntod. 

Ang white orchid ay partikular na sumisimbolo ng kadalisayan, respeto, at paggalang, habang ang pink naman ay nagpapahayag ng pagpapasalamat at pagpapahalaga. 

Photo courtesy: Pexels

2. Daisy

Sa mga puntod, kadalasan ding makikita ang daisies, partikular ang puti dahil sumisimbolo ito ng kadalisayan, panibagong pagsisimula, at true love. 

Sa mga gusto na lagyan ng “unique touch” ang himlayan ng kanilang kaanak, puwede rin magdagdag ng blue daisy sa puntod bilang simbolo ng katahimikan, kapayapaan, at inspirasyon. 

Photo courtesy: Pexels

3. Rose

Isa sa mga kilalang bulaklak sa lahat ng okasyon ay ang rose.

Bilang pagbibigay-galang sa namayapang kaanak, ang rose ay kadalasang inaalay sa puntod bilang simbolo ng walang-kamatayang pagmamahal at paggalang. 

Kadalasan, makikita ang white, red, at pink roses sa mga puntod. 

Ang white rose ay nagpapatid ng kadalisayan at grasya.  Ang red rose ay sumisimbolo sa passionate love at romance. Habang ang pink rose naman ay nagpapahtid ng paghanga at pasasalamat. 

Photo courtesy: Pexels

4. Chrysanthemum

Isa pa sa mga hindi nawawala sa flower arrangement sa mga puntod ay ang chrysanthemum dahil ito ang bulaklak na nagrerepresenta sa kamatayan. 

Sa maraming kultura sa Asya at Europa, ang chrysanthemum ay partikular na sumisimbolo sa pagluluksa at pakikidalamhati. 

Photo courtesy: Pexels

5. Carnation

Ang carnation ay kilala na pinapares sa lilies at roses sa mga puntod dahil ito ay sumisimbolo sa pag-alaala at pagmamahal. 

Partikular na inilalagay sa mga puntod ay ang pink carnation na sumisimbolo sa lubos na pagpapasalamat, at white carnation na nagpapatid ng kadalisayan. 

Photo courtesy: Pexels

6. Anthurium

Kilala sa hugis-puso nitong korte, ang anthurium ay nagpapakita ng paggalang at pagkilala sa yumaong kaanak. 

Kadalasan na ginagamit ng maraming Pinoy sa mga puntod ay ang white anthurium na sumisimbolo sa kadalisayan, at ang red anthurium na sumisimbolo naman sa pagmamahal. 

May ilan din na gumagamit ng pink anthurium na nagpapabatid ng mensaheng “motherly love.” 

Photo courtesy: Pexels

7. Lily

Ang lily ay isa rin sa mga tinatawag na “funeral flowers” dahil sa simbolo nitong kadalisayan para sa namayapa at pag-asa para sa pamilyang naiwan. 

Bukod sa white lily, ilan pa sa ginagamit sa mga puntod ay ang pink lily na sumisimbolo sa pamamaalam sa huling yugto ng namayapa papunta sa mapayapang lakbayin. 

Photo courtesy: Pexels

Sean Antonio/BALITA