December 14, 2025

Home FEATURES Human-Interest

‘Touch grass!’ ALAMIN: Saan ang ilang ‘best nature spots’ sa Metro Manila para mag-jogging

‘Touch grass!’ ALAMIN: Saan ang ilang ‘best nature spots’ sa Metro Manila para mag-jogging
Photo courtesy: Freepik, Quezon City Gov. (website)

Nasa running era na ba ang lahat? 

Makikita sa social media na maraming Pinoy ang nagpo-post ng kanilang morning o evening run OOTDs (Outfit of the Day), step count at fitness tracker screenshots, at race medals.

Ayon sa mga ulat, ang “fitness clout” na ito ay maikokonekta sa pagiging mas “health conscious” ng maraming Pinoy matapos ang COVID-19 pandemic.

Dito ay nakita ng marami ang pagtakbo bilang isa sa mga pinaka-accessible na paraan ng ehersisyo dahil kaya itong gawin ng karamihan. 

Human-Interest

Ambagan nauwi sa Jombagan: Lalaki, binugbog dahil hindi nag-ambag sa Christmas party?

Para sa ilan, ang pagtakbo ay naging paraan para masimulan ang kanilang fitness journey, o kaya nama’y isang checklist sa kanilang bucketlist, at sa ilan nama’y isang paraan ng meditation matapos o bago tumapak sa mahabang araw. 

Dahil dito, narito ang ilang ‘nature spots’ sa Metro Manila na matatakbuhan para makumpleto ang 7,000 steps a day: 

1. Quezon Memorial Circle - Matatagpuan sa Elliptical Road sa Quezon City, ang Quezon Memorial Circle ay isang eco-friendly at socio-cultural 27-hectare national park na napaliligiran ng mga halaman at puno na swak para sa mga gusto ng tahimik at mapayapang jogging. 

2. Rizal Park - Matatagpuan sa Roxas Blvd., Ermita sa Maynila, ang Rizal Park o Luneta ay isa pang historical space na bukod sa malalawak nitong walkways at garden paths, swak ito sa mga tao na gusto ang light jogging o walking breaks. 

3. Cultural Center of the Philippines (CCP Complex) - Mapupuntahan sa Roxas Blvd., sa Pasay City, ito ang isa sa mga “scenic” na lugar para mag-jogging dahil mula rito, nakikita ang full-view ng Manila Bay, lalo na sa mga tatakbo ng umaga o hapon. 

4. Marikina Riverbanks Walkway - Para sa mga gusto ng mas fresh na hangin, ang Marikina River Park ay may lawak na 3.5 kilometro na may view ng katubigan at mga bundok. 

5. Filinvest City, Alabang - Ang espasyo na ito ay kilala sa maraming runners dahil maraming fun run ang idinaraos dito. 

Ang Filinvest City ay may dedikadong running space na tinatawag na “Spectrum Linear Park,” bukod pa rito, mayroon ding tree-lined roads at open parks para sa mga gusto tumakbo sa mas maluwag na espasyo. 

6. Baluarte de San Diego - Isa pang historical landmark sa Maynila na matatagpuan sa Intramuros, Maynila, ang Baluarte de San Diego ay napaliligiran ng Spanish-inspired architecture at mga halaman, na swak para sa mga interesado hindi lamang sa fitness kung hindi pati na rin sa kasaysayan. 

7. Arroceros Urban Forest Park - Kilala rin bilang “Manila’s Last Lung,” ang Arroceros Urban Forest Park ay tahanan ng libo-libong uri ng mga halaman at ibon na bagay para sa mga gusto ring mag-bird watching. 

Bukod sa jogging lanes, mayroon ding koi pond at coffee shop dito kapag natapos na ang jogging. 

Sean Antonio/BALITA