Naglabas ng pahayag si Kapuso actress-singer Rita Daniela matapos mahatulang guilty sa kasong Acts of Lasciviousness ang aktor na si Archie Alemania.
Sa latest Instagram post ni Rita nitong Linggo, Oktubre 26, inialay niya ang nakamit na hustisya para sa mga lalaki at babaeng nakaranas din ng pang-aabuso tulad niya.
“The justice I received today is not just for me. This is also for all the women and me who were abused, harassed, and molested that didn't have the voice and platform to fight for their own rights,” saad ni Rita.
Dagdag pa niya, “So, I am celebrating with justice with you. Today, we all won. We won. God loves us.”
Maki-Balita: Archie Alemania, guilty sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ni Rita Daniela!
Matatandaang isinampa ni Rita ang nasabing kaso noong Oktubre 2024 matapos siyang hawakan at haplusin ni Archie ang kaniyang leeg at balikat nang walang pahintulot.
Nangyari ang naturang insidente nang ihatid siya ni Archie matapos nilang dumalo sa ginanap na thanksgiving party ng “Widow’s War” co-star nilang si Bea Alonzo.
Maki-Balita: Rita Daniela, sinampahan ng kasong ‘acts of lasciviousness’ si Archie Alemania
Tinangka pa ni Archie na maghain counter-affidavit laban sa kasong isinampa ni Rita laban sa kaniya. Ngunit rumesbak ang aktres sa isinumite niyang anim na pahinang reply affidavit.
MAKI-BALITA: Resbak: Archie Alemania, naghain ng counter-affidavit laban kay Rita Daniela