December 13, 2025

Home SHOWBIZ

“She’s a better person than I am!’ James Reid rumesbak sa bashers ng jowa, netizens nagpatutsada

“She’s a better person than I am!’ James Reid rumesbak sa bashers ng jowa, netizens nagpatutsada
Photo courtesy: James Reid/IG & TikTok


Pumalag ang netizens sa singer-actor na si James Reid matapos nitong magpost ng isang point of view (POV) video kung saan makikitang nahuli siya ng kaniyang jowang si Issa Pressman na nagrereply umano sa bashers nito.

Ang nasabing video ay ibinahagi ni James sa kaniyang TikTok post noong Sabado, Oktubre 25.

“She’s a better person than I am that’s for sure,” ani James sa caption.

Photo courtesy: James Reid/TikTok

Hindi naman napigilan ng netizens na mag-react at magkomento sa nasabing post ni James. Narito ang ilan sa kanilang mga pahayag:

“alam kong inutusan ka lang, hindi ko lang mapatunayan”

“heart sa mga kinilabutan”

“heart sa mga hindi kinilig”

“blink twice if kinulam ka”

“Buti pov lang”

"babe, gawa ka nga video kunwari galit ka, tas ako na bahala"

“Oh, attendance muna baka sakaling mag off ng comment”

“James Reid in his squammy era”

“feel ko 8080 rin si dad”

“dito pa Rin ako HAHAHHAHAHAHAA nautusan Ka Lang e”

Matatandaang kamakailan lamang din ay pinalagan ni James ang ilan sa mga netizens na tila inuungkat ang nakaraan nila ng kaniyang ex-girlfriend na si Nadine Lustre.

“So many bitter people that can stand to see me this happy. I hope all of you here find love like I did that inspires you and gives you a reason to be your best self. Love is the answer,” ani James.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Ungkatan ng past?’ James Reid, pinalagan netizens na binabalik nakaraan nila ni Nadine Lustre-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA