December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Sen. JV, dinamayan si Kuya Kim: 'We are here for you'

Sen. JV, dinamayan si Kuya Kim: 'We are here for you'
Photo Courtesy: JV Ejercito (FB)

Nag-abot ng pakikiramay si Senador JV Ejercito para kay GMA trivia master at TV host Kuya Kim Atienza matapos pumanaw ang anak nitong si Emman Atienza.

Sa latest Facebook post ni Ejercito nitong Linggo, Oktubre 26, sinabi niyang walang salita ang makapagpapagaan sa pinagdadaanan ngayon ni Kuya Kim.

“So painful to see a friend go through this tragedy in life. All we can do as friends is just be there to keep you company and lend a listening ear,” saad ni Ejercito.

Dagdag pa niya, “We have gone through a lot all these years as friends and he has been there also for me through the ups and downs of my life.”

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Kaya naman inulit ni Ejerctio ang sinabi ni Kuya Kim sa isang Facebook post nito na magkaroon ng “compassion,” “courage,” at “little extra kindness” sa araw-araw na buhay.

“Lahat tayo may kanya-kanyang kalbaryong kinakarga.  We just need to give a little kindness to everyone. We are here for you, Brother Kim, as we ride through life’s bumps and hazards,” dugtong pa ng senador.

Matatandaang pumanaw si Emman sa edad na 19-anyos. Kinumpirma ng kaniyang pamilya ang balitang ito noong Oktubre 24.

Maki-Balita: Kuya Kim, kinumpirma pagpanaw ng anak niyang si Emman Atienza