December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ellen sa urirat bakit wala si Derek sa b-day ni Liana: 'Pinadalhan naman siya ng invitation, ‘di pumunta!’

Ellen sa urirat bakit wala si Derek sa b-day ni Liana: 'Pinadalhan naman siya ng invitation, ‘di pumunta!’
Photo courtesy: Ellen Adarna/IG, Derek Ramsay/IG


Sinagot ng aktres at model na si Ellen Adarna ang tanong ng isang netizen patungkol sa hindi pagsipot ng mister nitong si Derek Ramsay sa 1st birthday ni Liana kamakailan.

Mababasa ito sa isang Instagram post ni Ellen noong Sabado, Oktubre 25, kung saan pinasalamatan niya ang mga nagsidalo sa kaarawan ng anak, na siyang nagpa-espesyal sa nasabing okasyon.

“Lili Bear turned 1! Huge thank you to everyone who came, flew in, and made her birthday so special. We felt the love!” ani Ellen sa caption.

Narito ang naging komento ng naturang netizen, at ang sagot ni Ellen hinggil dito.

“Pinadalhan naman siya ng invitation. ‘Di ko alam bakit ‘di siya pumunta,” Filipino translation ng sagot ni Ellen.

Photo courtesy: Ellen Adarna/IG via Fashion Pulis

Mababasa rin sa nasabing IG post ang ilan pa sa mga komento ng netizens hinggil sa intrigang mayroon ang celebrity couple.

Photo courtesy: Ellen Adarna/IG

Nagpaabot naman ng kanilang pagbati kay Liana ang ilang personalidad sa industriya.

Photo courtesy: Ellen Adarna/IG

Matatandaang naurirat ang publiko matapos tanggalin ni Ellen kamakailan ang apelyidong “Ramsay” sa kaniyang IG account.

KAUGNAY NA BALITA: Sey mo Derek? Apelyidong 'Ramsay' waley na raw sa IG account ni Ellen, netizens naintriga!-Balita

Usap-usapan din ang intriga sa umano’y hiwalayan nilang dalawa.

KAUGNAY NA BALITA: Derek, Ellen iniintrigang hiwalay na!-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA