December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Charlie Fleming, nagmaktol kay Kuya: ‘Ipinasok mo lahat ng kaibigan ko nang wala na ako!'

Charlie Fleming, nagmaktol kay Kuya: ‘Ipinasok mo lahat ng kaibigan ko nang wala na ako!'
Photo Courtesy: Charlie Fleming (TikTok), PBB ABS-CBN (FB)

Tila sumama na naman ang loob ni Kapuso Sparkle artist Charlie Fleming kay Kuya matapos papasukin sa Bahay nito ang mga kaibigan niya.

Matatandaang opisyal nang ipinakilala noong Sabado, Oktubre 25, ang mga magiging bagong housemate sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0

Kaya sa isang TikTok post ni Charlie noon ding Sabado, mapapanood ang video ng pagmamaktol niya kay Kuya.

"Kuya, pinasok mo lahat ng mga kaibigan ko nang wala na ako. Ngayong naonood ako ng PBB naiiyak na lang ako kasi nami-miss ko sila,” saad ni Charlie.

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

Dagdag pa niya, "Kinuha mo si Lee, kinuha mo si Joaquin, kinuha mo si Waynona, si Marco, si Ashley. Kinuha mo na sila lahat. Wala na kaming streak!"

Matatandaang naging housemate si Charlie sa kauna-unahang PBB: Collab Celebrity Edition at naging 3rd Place Big Winner pa kasama ang ka-duo niyang si Esnyr.