December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bet daw muna i-savour kasikatan? Kim Chiu, nagpa-egg cell preservation

Bet daw muna i-savour kasikatan? Kim Chiu, nagpa-egg cell preservation
Photo Courtesy: Kim Chiu (FB)

Sumailalim na umano si Kapamilya star at "It's Showtime" host Kim Chiu sa egg cell preservation ayon kay showbiz insider Ogie Diaz.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, sinabi ni Ogie na batay sa nasagap nga niyang tsika ay nagpapreserba na si Kim ng egg cells lalo pa’t hindi na bumabata pa ang huli.

“Siyempre si Kim Chiu gusto muna niyang i-savour ang kaniyang kasikatan, ‘ika nga. Ang kaniyang youth gusto niyang samantalahin dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon e ikaw ay nando’n sa top,” saad ng showbiz insider.

Dagdag pa niya, “E, ilang taon na si Kim Chiu ngayon. 35 years old. Diyos ko, hindi na bumabata ‘yan. ‘Yong mga ganyan, hit and miss ‘yan kung mabubuntis o hindi. Ngayon, normal lang ‘yong magpa-preserve ng egg si Kim Chiu.”

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Ayon sa co-host niyang si Mama Loi, normal na raw talaga ang pagpapasailalim ng ilang artista sa egg cell preservation. In fact, ilan sa mga ito ay sina Vina Morales at Heart Evangelista.

“Kumbaga ‘yong iba kasi sa panahon ngayon, parang gusto nilang i-maximize ‘yong kanilang youth saka ‘yong kanilang potential,” sabi pa ni Ogie.

Ang egg preservation ay ginagawa ng mga babaeng ayaw munang mabuntis ngunit bukas pa rin sa posibilidad na magkaanak.

Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkuha sa unfertilized egg cells ng babae at ilalagay sa isang storage para magamit sa hinaharap.