December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

'Be kind!' Kuya Kim, ibinahagi kung bakit may butterfly tattoo sa likod ng tenga si Emman

'Be kind!' Kuya Kim, ibinahagi kung bakit may butterfly tattoo sa likod ng tenga si Emman
Photo courtesy: Toni Talks (YT)/Kuya Kim Atienza (YT)

Ibinahagi ng Kapuso TV host at trivia master na si Kim Atienza ang isang video clip mula sa naging panayam ng anak na si Emman Atienza sa "Toni Talks" ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga.

Sa nabanggit na panayam, dito inilahad ni Emman ang traumatic experiences niya habang siya ay lumalaki, na nakuha niya sa verbal at physical abuse mula sa kaniyang yaya, na nauwi sa depresyon.

Sa video clip na ibinahagi ni Kuya Kim na alaala ng kaniyang anak, ibinahagi ni Emman ang maliit niyang tattoo sa likod ng kanang tenga.

Ang nabanggit na tattoo ay isang maliit na butterfly na may music note.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Binanggit din ni Emman sa panayam ang isang quote mula sa philosopher na si Friedrich Nietzsche.

"And those who were seen dancing were thought to be insane by those who could not hear the music," ani Emman.

Paliwanag ni Emman, reminder daw sa kaniya ang tattoo na malaya siyang "sumayaw sa tugtog na siya lang ang nakaririnig," at kahit hindi ito naririnig ng ibang tao.

Kaya naman paalala ni Kuya Kim sa mga netizen, "Be kind."

"Just a little kindness."

Matatandaang noong Biyernes, Oktubre 24, nagulat ang mundo ng showbiz at social media nang i-anunsyo at kumpirmahin ng pamilya Atienza na pumanaw na si Emman sa edad na 19.

Ayon naman sa mga ulat ng international media outlets, ang official cause of death ay "ligature hanging."

KAUGNAY NA BALITA: Kuya Kim, kinumpirma pagpanaw ng anak niyang si Emman Atienza