January 08, 2026

Home FEATURES

ALAMIN: Ano ang koneksyon ng 'pumpkins' sa paggunita ng Halloween?

ALAMIN: Ano ang koneksyon ng 'pumpkins' sa paggunita ng Halloween?
Photo courtesy: Unsplash


Tuwing sasapit ang Halloween season, laging pumapasok sa isip ng mga tao ang imahe o hitsura ng “pumpkins.” Tila ba nagsisilbi na itong simbolo na naglalarawan sa naturang kaganapan.

Kaya naman sa pagdiriwang ng “National Pumpkins Day” tuwing Oktubre 26, kasabay ng papalapit na pagsapit ng Halloween, namumutawi ang isang katanungan, ano nga ba ang koneksyon ng mga ito?

Ano ba ang “Pumpkin?”

Ayon sa Healthline, ang “pumpkin” ay isang low-calorie, nutrient-dense winter squash na puno sa bitamina at mineral. Ito ay napapabilang sa Cucubitaceae family. Ito raw ay madalas na inihahanda tuwing Thanksgiving at Halloween.

Nilinaw rin sa Healthline na kahit itinuturing na isang gulay, ang pumpkin ay isa umanong “fruit,” kung ang pagbabasehan ay ang siyensya—sapagkat ito raw ay may “seeds” o buto.

Koneksyon ng Pumpkins sa Halloween

ALAMIN: Bar Examination passing rates sa nakalipas na isang dekada



Ayon sa isang pag-aaral, ang tradisyon ng paggamit ng pumpkins tuwing Halloween ay nagsimula sa ancient Celtic festivals of Samhain, na siyang katapusan ng “Summer” at simula ng bagong taon tuwing Nobyembre 1.

Tuwing sasapit daw ang naturang pista, kumukuha ng mga tao ng “turnips” at inuukitan ito upang pantaboy sa masasamang espiritu. Sa panahong ito, pinaniniwalaan kasing umiikot ang mga kaluluwa ng mga namatay ng taong iyon, at binibisita ang kani-kanilang mga tahanan.

Ito ay isang malawakang tradisyon, hanggang sa dumating ang Irish immigrants sa Amerika. Noong sila ay makatungtong sa naturang bansa, nagbago ang kulturang ito.

Mula noon, napagtanto ng mga Irish immigrants na ang “pumpkins” ay hindi hamak na mas malalaki kumpara sa turnips. Dahil dito, mas pinili nila itong gamitin sapagkat ito ay mas madaling ukitin.

Habang tumatagal, ito ay naging tradisyon na, at kilala ngayon bilang “jack-o-lantern” tradition. Maging sa Pilipinas, makikita pa rin ang naturang tradisyon.

Vincent Gutierrez/BALITA