January 26, 2026

Home SHOWBIZ

‘Wala pa ring nananagot!' Dennis Trillo, napa-thumbs down kawalan ng resulta sa korupsyon

‘Wala pa ring nananagot!' Dennis Trillo, napa-thumbs down kawalan ng resulta sa korupsyon
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Tila dismayado ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo sa wala pa rin umanong nagiging resulta ng imbestigasyon sa talamak na korupsyon sa bansa.

Ayon sa naging pahayag ni Dennis sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Oktubre 24, makikitang gumamit ng thumbs down emoji ang dismayadong aktor.

“Sa dami ng nasangkot…hanggang ngayon, wala pa ring nananagot,” mababasa sa post ni Dennis.

Photo courtesy: Dennis Trillo (FB)

Photo courtesy: Dennis Trillo (FB)

Elijah Canlas, ilang beses ‘inechos’ ng filmmakers

Sa pamamagitan nito, nakisimpatya rin ang netizens sa naturang pahayag ng aktor. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa nasabing post ni Dennis:

“Wala ng mangyayari jan.” 

“Karma is real. Let karma do the work.” 

“Cover up is the ” 

“Onli in the philippines.” 

“KARMA is on the Way Just wait…”

“The biggest syndicate.” 

“The birds with the same feather flock together.”

“Kasi yung mga sangkot magkaka-SANGGANG DIKIT FOR REAL!” 

“Brad kasi justice must serve to an ordinary hehehe” 

Matatandaang pabirong pinasaringan ni Dennis ang talamak na korupsyong nagaganap sa bansa noon ding Biyernes. 

MAKI-BALITA: Sey ni Dennis Trillo sa mga korap: 'Done na pong magbayad ng tax, pwede nang nakawin'

“Done na po magbayad ng tax nung isang araw. Pwede niyo nang nakawin ulit,”sey ni Dennis sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Oktubre 24.

Mc Vincent Mirabuna/Balita