December 12, 2025

Home BALITA National

PBBM, lumipad pa-Malaysia para makiisa sa 47th ASEAN Summit and Related Summits

PBBM, lumipad pa-Malaysia para makiisa sa 47th ASEAN Summit and Related Summits
Photo courtesy: Presidential Communication Office (FB)

Bumiyahe na patungong Kuala Lumpur, Malaysia si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos kasama sina First Lady Liza Araneta-Marcos at iba pang delegado ng bansa para upang makiisa sa gaganaping 47th ASEAN Summit and Related Summits. 

Ayon sa ibinahaging post ng Presidential Communication Office (PCO) sa kanilang Facebook page nitong Sabado, Oktubre 25, makikita ang mga larawan ni PBBM at FL Liza na paalis na sa bansa. 

Kaugnay umano ito nga paanyaya ni Malaysian Prime Minister Dato’ Seri Anwar Ibrahim sa Pangulo. 

“Sinimulan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Louise Araneta-Marcos, kasama ang Philippine delegation, ang biyahe patungong Kuala Lumpur, Malaysia para sa 47th ASEAN Summit and Related Summits, sa paanyaya ni Malaysian Prime Minister Dato’ Seri Anwar Ibrahim, na may temang ‘Inclusivity and Sustainability,’” panimula nila. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Dagdag pa ng PCO, inatasan ng Pangulo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na bawasan ng aabot sa 50% ang presyo ng construction materials at ilaan ang umano sobra ng budget para sa kalusugan, edukasyo, at pagkain. 

“[I]natasan ng Pangulo ang DPWH na bawasan ng hanggang 50% ang presyo ng construction materials upang mailaan ito para sa iba pang mga serbisyo tulad ng kalusugan, edukasyon, at pagkain,” anang PCO.

“Ipinahayag din niya ang tax relief measures ng DOF at BIR, kabilang ang pagpapagaan ng tax compliance at pagtaas ng de minimis benefits ceiling upang magbigay-ginhawa sa mga manggagawa at negosyante,” paliwanag pa nila. 

Misyon umano ng Pangulo sa pagpunta sa Malaysia na pagtibayin ang ASEAN Centrality at talakayin ang iba’t iba pang isyung kinakaharap ng bansa. 

“Makikibahagi si PBBM sa mga pagpupulong ng ASEAN leaders upang pagtibayin ang ASEAN Centrality, talakayin ang mga isyung patungkol sa South China Sea, Myanmar, climate change, at ekonomiya, habang pinagtitibay ang paninindigan ng Pilipinas sa rules-based international order,” paglilinaw ng PCO. 

“Sasalubungin din ng ASEAN ang Timor-Leste bilang bagong kasapi, habang pormal namang ipapasa ng Malaysia ang ASEAN Chairship sa Pilipinas,” pagtatapos pa nila. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita

Inirerekomendang balita