Isang katawan ng babae ang natagpuang wala nang buhay sa loob ng simbahan sa Cebu noong gabi ng Biyernes, Oktubre 24, 2025.
Ayon sa mga ulat, sinabi ng hepe ng Liloan Police Station sa Cebu na si Police LtCol. Dindo Alaras na nakitaan umano ng dugo sa ilong, mga sugat sa likod ng ulo, at itim na marka sa leeg ang nasabing biktima.
“May narinig ang candle vendor na may sumisigaw na babae sa loob ng simbahan,” ani Alaras.
Bukod pa rito, may mga saksi ring umanong nakakitang may kasamang lalaki ang ang hindi pa nakikilalang babae na pumasok sa loob ng San Fernando El Rey Parish matapos ang isinagawa nilang misa.
Agad namang dinala ang babae sa pinakamalapit na ospital sa lugar ngunit itinalaga itong “dead on arrival” ng pagamutan.
Samantala, naglabas naman ng pahayag ang San Fernando El Rey Parish kaugnay sa nangyaring insidente.
Ayon sa isinapubliko nilang post sa kanilang Facebook page nitong Sabado, Oktubre 25, nagpaabot sila ng pakikisimpatya sa kagimbal-gimbal na krimeng nangyari sa loob ng kanilang simbahan.
“The Archdiocese of Cebu expresses deep sorrow and grave concern over the crime committed inside the Parish Church of San Fernando Rey, Liloan on October 24, 2025. We unite in prayer for the victim's family as we condemn in the strongest terms this act of violence committed within the very house of God,” anila/
Dagdag pa ng San Fernando El Rey Parish, nakumpirma nila sa pamamagitan ng CCTV footage na naganap ang pamamaslang sa babae ng kasama nito sa loob mismo ng bahay-dalanginan.
“After a preliminary review of the incident and the available evidence, including CCTV footage confirming that the assault took place inside the church itself, it is judged that the sacred place has indeed been desecrated through an act of grave violence, which has caused profound scandal and pain among the faithful of Liloan and beyond,” pagbabahagi nila.
Dahil dito, pansamantala muna umanong isasara ang simbahan upang magsagawa sila ng canonical procedures sa pagbabalik ng dignidad ng nasabing simbahan.
“I, as the Archbishop of Cebu, decree the temporary closure of the Parish Church of San Fernando Rey, Liloan. All public acts of divine worship are to be suspended until proper canonical procedures are completed to ensure the reparation of the desecration and the restoration of the church's dignity as a house of prayer and peace,” paglilinaw pa nila.
Kasalukuyan nang tinutugis ng pulisya ang suspek na namataang kasama ng biktima bago maganap ang krimen.
Mc Vincent Mirabuna/Balita