Tila taliwas sa inaasahan ng marami ang host na nagbalik para sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0.
Sa unang episode ng bagong edisyon ng PBB nitong Sabado, Oktubre 25, nagbigay ng pahiwatig si Kapamilya host Bianca Gonzalez ang nagbabalik sa Bahay ni Kuya.
“Speaking of pamilya ni Kuya, buong linggo naintriga ang lahat ng mga tao kung sino ang nagbabalik sa pamilya ni Kuya. [...] Siguradong magbibigay ng panibagong kulay at saya ang hatid niya sa lumalaking pamilya ni Kuya,” saad ni Bianca.
Kasunod nito, malugod na winelcome ni Kuya sa kaniyang confession room si Luis.
Ayon kay Luis, una siyang naging bahagi ng PBB noong housemate pa lang noon si Bianca sa PBB: Celebrity Edition 1.
“Pagkatapos no’n, noong naging housemate na rin si Robi [Domingo] tapos ako’y medyo nagpahinga na mula sa bahay mo. So, siguro that’s 2008,” dugtong pa niya.
Matatandaang sa online teaser ng PBB: Celebrity Collab Edition 2.0 kamakailan ay pinag-usapan ng netizens ang anunisyo tungkol sa pagbabalik ng dating host ng nasabing reality show.
Ang hula nga ng karamihan, si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ang tinutukoy dahil sa nakitang silhouette ng babae sa teaser.
Maki-Balita: PBB, nagpatikim sa magbabalik na host, si Toni Gonzaga na nga ba?