Nagpahiwatig na sa kaniyang pagbalik bilang Blue Ribbon Committee Chair si Senate Pro Tempore Sen. Ping Lacson.
Sa kaniyang X post nitong Linggo, Oktubre 25, 2025, iginiit ni Lacson na nakatakdang magbalik ang pagdinig ng Senado sa imbestigasyon ng flood control projects sa Nobyembre 14.
"If elected again as Blue Ribbon chairman on Nov 10, our hearing will resume on Nov 14," ani Lacson.
Ilang politiko, opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), kasama si Orly Guteza sa mga iimbitihan ng Senado sa muling pagbabalik ng pagdinig ng Blue Ribbon.
"To help speed up the filing of airtight cases against some politicians, DPWH officials and errant contractors, we will invite among others, a ‘very important witness’ and retired TSgt Orly Guteza to shed more light on his “sinumpaang salaysay," saad ni Lason.
Matatandaang noong Oktubre 4 nang ihayag ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III, ang pansamantalang suspensyon ng pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa flood control projects.
KAUGNAY NA BALITA: Senado, pansamantalang sinuspinde pagdinig sa isyu ng flood control projects
Nasundan naman ito ng tuluyang pagbibitiw ni Lacson bilang Blue Ribbon Chair.
“Dahil sa mga naririnig ko na pahiwatig ng aking mga kasamahan eh isa sa mga konsiderasyon ko, mag-move o mag-submit na lang ng aking resignation bilang chairperson at humanap sila ng ibang puwede mag-chairman ng Blue Ribbon committee," ani Lacson sa isang panayam.
KAUGNAY NA BALITA: 'Maybe stepping down is an option!' sey ni Lacson, sa pagiging Blue Ribbon Chair niya