Nagbigay ng reaksiyon ang chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Direk Joey Javier Reyes kaugnay sa pelikulang “Quezon” ni Jerrold Tarog.
Sa latest Facebook post ni Reyes noong Biyernes, Oktubre 24, sinabi niyang sobra siyang nabalisa matapos niyang mapanood ang naturang pelikula.
“I have just watched QUEZON and I left the moviehouse greatly disturbed. This is because I wanted to find out: In a biographical movie such as this, where does the FACT end and the FICTION begin?” saad ni Reyes.
Dagdag pa niya, “Being the concluding episode of the BAYANIVERSE, what is the filmmaker trying to say about a trio of Filipino heroes? and most important....Why are there more people watching the SINESILIP movies than an ambitious epic of historical note like QUEZON?”
Samantala, ikinatuwa naman ng apo ni dating Pangulong Manuel Quezon na si Ricky Avancena ang opinyong ito ni Reyes.
Aniya, “Eto opinyon ng tunay na Director! Multi Awardee, Chairman of the Film Development Council. Salamat Direk Joey! Hindi naman pala ako baliw.”
Matatandaang kinompronta ni Avancena ang mga nasa likod ng bumuo ng pelikula tungkol sa kaniyang lolo nang dumalo siya sa screening at talkback session nito sa Power Plant Mall sa Makati.
Ayon sa kaniya, sinalaula umano ng TBA Studios ang alaala ni Quezon sa pelikula.
Maki-Balita: ‘Mga kupal kayo!’ Apo ni Quezon, inalmahan bagong pelikula ni Tarog
Ngunit nanindigan ang production company na ang ginawa nilang pelikula tungkol sa dating pangulo ay nakatuntong sa mga beripikadong datos ng kasaysayan.
Maki-Balita: 'The film is grounded in verified historical accounts:' TBA Studios, nagsalita sa pag-alma ng apo ni Quezon