Matagumpay na nasungkit ng two-time Olympic champion at double gold medalist na si Carlos Yulo ang gintong medalya sa men’s vault final ng 53rd FIG Artistics Gymnastics World Championships sa Jakarta, Indonesia nitong Sabado, Oktubre 25.
Nakapagtala si Yulo ng score na 15.200 sa kaniyang piked Dragulescu at 14.533 naman sa ikalawang vault, dahilan para magkaroon siya ng average score n 14.866.
Nanguna ang nasabing score ni Yulo kumpara sa mga kalaban niyang sina Artur Davtyan ng Armenia na nakakuha ng 14.833 at sa puntos ni Nazar Chepurnyi ng Ukraine na 14.483.
Bukod dito, nauna na ring masungkit ni Yulo ang bronze medal sa men’s floor exercise final noong Biyernes, Oktubre 24, 2022, matapos niyang makapagtala ng average score na 14.533.
MAKI-BALITA: Carlos Yulo, iispatan gold medal sa floor exercise sa World Championship sa Jakarta
MAKI-BALITA: Carlos Yulo, nagpaubaya sa ibang gymnast; bye-bye na sa SEA GAMES 2025
Mc Vincent Mirabuna/Balita