Naglabas ng public apology si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes matapos ang maling paraan niya ng pagbati sa mga Tausug.
Sa latest Facebook post ni Dingdong noong Biyernes, Oktubre 24, inako niya ang pagkakamaling nasambit niya sa isang episode ng “Family Feud” sa pamamagitan ng isang video statement.
Aniya, “Last Monday po sa ‘Family Feud,’ may binati po kaming mga kababayan natin sa programa. Unfotunately, mali po pala ang ginamit naming pangungusap nang i-greet namin ang mga kababayan nating Tausug.”
“At dahil po diyan, humihingi po ako ng paumanhin. Sorry po. Sa susunod, sisiguraduhin po namin na mas pagbubutiin pa namin ang aming pagsasaliksik,” dugtong pa ni Dingdong.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Ok lang sir Dong,tama man po o mali ang mahalaga po binigyan niyo po kaming mga taosug ng halaga,malaking bagay na po sa amin na kinikilala ang aming tribo,mabuhay po tayong mga pilipino.magsukol at GOD BLESS US ALL"
"Mas mabait ka pa nga idol kesa sa mga nasa congress "
"kung ganito hihingi ng pahumanhin aiii patawarin agadkeep humble dong Godbless"
"Pogi na humble pa,idol ko talaga ito bata palang ako eh, lahat ata ng programa mo at movie nuon napanuod ko eh"
"its okay ..no body's perfect naman poh . kahit kaming mga tausog hindi rin naman perpikto .. allah bless you poh "
"In all of Public Apology, eto yung pinakamaganda sa lahat"
"Ok lang yan Dong.. Ang Hindi ok ung sumabog Ang computer ng DPWH na sanhi ng sunog"
"its okay ..no body's perfect naman poh . kahit kaming mga tausog hindi rin naman perpikto .. allah bless you poh "