December 16, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

Bahay ni Kuya, binuksan na para sa PBB: Celebrity Collab Edition 2.0

Bahay ni Kuya, binuksan na para sa PBB: Celebrity Collab Edition 2.0
Photo Courtesy: ABS-CBN Entertainment (YT)

Ganap nang binuksan ang Bahay ni Kuya para sa mga bagong housemate ng Pinoy Big Brother: Celebrtiy Collab Edition 2.0.

Sa unang episode ng bagong season ng PBB nitong Sabado, Oktubre 25, ipinakilala na sa publiko ang 20 housemate na bubuo sa edisyong ito. Narito ang mga sumusunod:

1. Ashley Sarmiento, Ang Longing Sweetheart ng Las Piñas!

2. John Clifford, Ang Dutiful Langga ng Cebu

Teleserye

'Buti nagbabasa muna ako' Pagtsugi kay Boboy Garrovillo sa Sang'gre, nagdulot ng kaba

3. Lee Victor, Ang Energetic Son-bassador Ng Cavite

4. Caprice Cayetano, Ang Demure Daughter Ng Quezon City

5. Waynona Collings, Ang Ate De Pamilya ng Quezon City! 

6.  Anton Vinzon, Ang Astig Anak-tion Star ng Baguio

7. Princess Aliyah, Ang Royal Songstress ng Bulacan 

8. Marco Masa, Ang Wonder Brother ng Antipolo

9. Miguel Vergargara, Ang Adorable Smasher ng Antipolo City

10. Rave Victoria, Ang Optimistic Apo ng Tarlac 

11. Iñigo Jose, Ang Caring Kuya ng Parañaque

12. Carmelle Collado, Ang Riles Diva ng CamSur

13. Eliza Borromeo, Ang Determinadong Dilag ng Cavite

14. Lella Ford, Ang Blooming Bunso ng Tacloban

15. Reich Alim, Ang Dependable Darling ng Makati

16. Fred Moser, Ang Courtside Charmer ng Albay

Matatandaang nauna nang ipakilala kamakailan ang apat sa kanila: sina Joaquin Arce, Sofia Pablo, Krystal Mejes, at Heath Jornales.

Samantala, nagbabalik naman bilang host ng PBB si Luis Manzano para samahan sina Bianca Gonzalez, Melai Cantiveros, Mavy Legaspi, Gabbi Garcia, Alexa Ilacad.