December 13, 2025

Home FEATURES Human-Interest

'Atty. ipaglaban mo 'ko!' DOJ spox nagpakilig, nagpakiliti sa maharot na kukote ng netizens

'Atty. ipaglaban mo 'ko!' DOJ spox nagpakilig, nagpakiliti sa maharot na kukote ng netizens
Photo courtesy: Polo Martinez (IG)/Screenshot from ABS-CBN News

Mukhang hindi lang mga kaso sa korte ang napapaikot ni Atty. Raphael Niccolo “Polo” Martinez, kundi pati na rin ang puso ng maraming netizens.

Noong Oktubre 17, inanunsyo ang pagtatalaga sa kaniya bilang bagong tagapagsalita o spokesperson ng Department of Justice (DOJ), matapos namang mailipat ang successor niyang si Atty. Mico Clavano sa Office of the Ombudsman.

Bago ang kaniyang appointment, nagsilbi muna si Atty. Martinez bilang prosecutor ng ahensiya, kung saan mas lalo siyang nakilala sa kaniyang husay at propesyonalismo.

Ngayong Oktubre 23, 2025, pinangunahan niya ang kaniyang unang press conference bilang opisyal na tagapagsalita ng DOJ, kung saan ibinahagi niyang may 887 human bones ang natagpuan sa paligid ng Taal Lake.

Human-Interest

Misis sinimot 13th month pay ni Mister nang walang paalam: ‘May karapatan ako sa pera mo!'

Ayon kay Martinez, isasailalim sa DNA testing ang mga ito upang matukoy kung konektado nga sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ngunit tila hindi lamang ang mga pahayag niya ang pinagtuunan ng pansin ng publiko. Sa ulat na ibinahagi ng ABS-CBN News, bumuhos ang komento ng mga netizens, at hindi tungkol sa kaso, kundi tungkol sa karisma at hitsura ng abogado.

May mga nagsasabing tila hindi na raw sila makapagpokus sa sinasabi ni Martinez dahil nakatitig na lang sila sa kaniya. Ilan pang netizens ang nag-iwan ng mga pilyo at pilyang komento, lalo na't na-stalk na agad nila si Atty sa social media nito, na may naghuhumiyaw na abs at bortang katawan.

"Nasa poookie ko ang hustisya"

"What, 887 human bones? Anyway, take care, Atty."

"Atty. Martinez, pwede mo ba ako ipaglaban? dko na inintindi ang mga pinagsasabi mo nagheart heart nlang mata ko parang ganito."

"Ansarap ni Atty. Polo. Andito po sa loob ng shorts ko yung isang buto."

"Attorney Spokesperson can you hold me in your arms? Hahahaha."

"Sana ganito ung mga Spoks speaking based on the document / report and evidences. Hindi ung sa kung Anu lang ang masabi."

"Atty., pwede mo rin ba ako ipaglaban?"

"Wala po akong nagets. Tinitigan ko lang po si Atty."

Sa kabila ng mga biro, marami rin ang pumuri sa kaniyang pagiging kalmado at maayos magsalita, dahilan kung bakit mas lalo siyang naging kapansin-pansin sa publiko, at nakadagdag sa kaniyang sex appeal at charm.

SINO NGA BA SI DOJ SPOX ATTY. POLO MARTINEZ?

Ayon sa mga ulat at batay na rin sa LinkedIn profile, nagtapos siya ng Bachelor of Political Science at Juris Doctor sa Ateneo de Manila University, at nakapasa sa Bar exams noong 2022.

Bago pumasok sa DOJ bilang prosecutor noong Disyembre 2024, naging bahagi siya ng Platon Martinez Flores San Pedro Leano Law Offices mula 2022 hanggang 2024.

Sa panahon ng pagkuha ng Abogasya sa law school, kabilang din siya sa Ateneo Law Team na nanalo bilang First Runner-Up sa Eastern Asian Rounds ng ELSA International Moot Court Competition on International Economic and Trade Law.

Sa labas ng korte at kung bisitahin ang social media account niya, bukod sa halatang nagji-gym, kilala si Atty. Polo bilang mahilig tumakbo at sumali sa marathon.

At ngayong opisyal na siyang tagapagsalita ng DOJ, tila hindi lang batas ang kanyang naipagtatanggol, pati na rin ang karapatan ng marami na kiligin sa gitna ng mga mabibigat na balita.