December 13, 2025

Home SHOWBIZ

'After a week balik ulit sa bashing!' Jane De Leon, binengga mga mapagkunwaring concern sa mental health

'After a week balik ulit sa bashing!' Jane De Leon, binengga mga mapagkunwaring concern sa mental health
Photo Courtesy: Jane De Leon (FB), Pexels

Nakatikim ng talak mula kay Kapamilya actress Jane De Leon ang mga mapagpanggap na concern sa mental health ng ibang tao.

Sa X post ni Jane noong Biyernes, Oktubre 24, kinuwestiyon niya kung ilan pa ba ang kailangang mawala bago tuluyang baguhin ng isang tao ang sarili.

“Every time someone d*es because of hate, we post ‘mental health matters.’ Then after a week, balik ulit sa bashing, chismis, and tearing people down,” saad ni Jane.

Dagdag pa niya, “How many more people do we need to lose before we actually change?”

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Humakot tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Time for change. It’s frustrating how quickly we forget the impact of our words. We need to build each other up instead of tearing each other down. Let’s make mental health a priority, not just a trend."

"Except sa lahat ng nakinabang sa taxes/government fund na sana pakikinabangan ng mga nakakaraming ordinaryong pilipino na walang pampagamot para sa mental health "

"Guys let’s choose the words in telling our sentiments. Not on degrading someone. To the point that it will cause depression, suicidal and the likes… let us all remember to be kind to one another. We don’t know who is facing struggles and hardships. Let us support each other."

"As a society, we only grieve for a moment—but rarely reflect long enough to change. Real change will only happen when empathy becomes a daily practice, not a trend that fades after tragedy."

"Idol ko tlga Ang darna ko..."

"too much politics. bawat galaw o ginagawa may halong politika at binibigyan ng kulay na agad."

"I hope it changes. I really wish social media can be used to spread more kindness and positivity."

"The cancel culture is too much na talaga. hindi na kino-call out yung nagawa kundi kino-call out na ang physical ng tao"

"Wala nang pag-asang magbago ang mga DDS. Salot sa lipunan ang mga yan. Puro naman keyboard warrior."

"Oopsie! Baka may masapol jan."

"Nakakalungkot talaga na halos matagal na matagal ang isyu na ito at walang natutunan ang mga hayop na yan. Ewan ko nalang kung ano ang papatunayan nila kay lord pag dumating ang oras nila."

"Daming walang awa dito sa soc med.They really choose the most harsh words to tear people down just for petty reasons."

"kaya sobrang nandidiri ako kapag may nakikispread kindness na galing sa fandom na pugad ng mga bully, di pa sila kinilabutan sa mga sarili nila."

Matatandaang sa pagpanaw ni Kapuso Sparkle artist at social media personality Emman Atienza noon ding Biyernes ay muling lumutang ang usapin ng mental health lalo na nang balikan ng mga netizen ang huling mensahe niya sa kaniyang Instagram channel.

Maki-Balita: Huling mensahe ni Emman sa IG Channel: 'I feel like the hate has piled up in my head subconsciously'