Nasa 80% ng mga Pilipino pa rin ang umano’y nananatiling pabor sa pag-iral ng demokrasya sa bansa, ayon sa pinakabagong survey ng OCTA Research.
Batay pa sa nasabing survey, tanging 18% lamang ang nagsabing hindi na sila pabor sa demokrasya at 2% ang nananatiling undecided.
Sa kabila nito, inilathala rin ng nasabing survey na sa apat sa bawat 10 Pinoy o katumbas ng 41% ang nagsabing satisfied sila kung paano umiiral ang demokrasya sa bansa. Nasa 31% naman ang dissatisfied at 26% ang undecided.
“The study reveals a dual narrative among Filipinos: a strong commitment to democracy as a principle, but weak satisfaction with its outcomes,” anang OCTA Research nitong Sabado, Oktubre 25, 2025.
Paliwanag pa ng OCTA, “Based on OCTA's various probes over the past four years, the findings suggest that public trust in democracy is resilient but conditional—dependent on tangible improvements in governance, accountability, and service delivery.”
Niatala naman sa Luzon ang pinakamataas na satisfaction rating ng usapin ng demokrasya sa bansa na may 55% habang nasa Visayas naman ang may pinakababa na nasa 25% lamang.
Nasa Visayas din ang pinakamataas na dissatisfaction rating na may 44% habang 39% ang mula sa Mindanao.
Isinagawa ang nasabing survey noong Setyembre 25 hanggang Setyembre 30 na nilahukan ng 1,200 survey participants.