December 14, 2025

Home BALITA National

Usec. Castro, sinabing inutos ni Sec. Dizon pagkakaroon ng digital copies ng mga DPWH documents para ito’y ‘protektado’

Usec. Castro, sinabing inutos ni Sec. Dizon pagkakaroon ng digital copies ng mga DPWH documents para ito’y ‘protektado’
Photo courtesy: RTVM/YT, DPWH/FB


Kinumpirma ni Palace Press Officer Usec. Atty. Claire Castro na nagbaba na ng direktiba si Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon na magkaroon ng digital copies ang mga dokumento ng ahensya upang ito’y maging protektado.

Kaugnay ito sa naganap na sunog kamakailan sa opisina ng naturang ahensya sa EDSA-Kamuning na anila, walang flood-control documents ang nadamay sa insidente.

“The DPWH confirms that no documents related to the ongoing investigation into the flood control anomalies were in the Bureau of Research and Standards (BRS) building that caught fire in Quezon City today,” anang DPWH.

MAKI-BALITA: DPWH, nilinaw na walang flood-control projects documents na nadamay sa sunog sa QC-Balita

Inilahad ni Usec. Castro ang naturang kumpirmasyon, sa isinagawang press briefing ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Biyernes, Oktubre 24.

“Unang-una po tungkol sa pagkakasunog ng parte ng DPWH building, sinabi naman po ni Secretary Vince [Dizon] na patuloy pa rin po ang pag-iimbestiga kung ano talaga ang nangyari dito,” ani Usec. Castro.

“Pero ang sabi po niya’y wala naman pong naapektuhan na mahahalagang mga dokumento, at inuutos na rin po niya sa mga regional offices na magsagawa na rin po ng digital copies para po kung ano ma’t mangyari ay protektado po ang mga dokumento,” dagdag pa niya.

Vincent Gutierrez/BALITA