December 13, 2025

Home BALITA National

Trillanes, nagbigay ng kopya ng plunder complaint laban kina FPRRD, Go, atbp sa ICI

Trillanes, nagbigay ng kopya ng plunder complaint laban kina FPRRD, Go, atbp sa ICI
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO

Ibinahagi ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV sa publiko na nakapagbigay na umano siya ng kopya ng kaniyang plunder complaint kina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Sen. Bong Go, at iba pa sa tanggapan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI). 

Ayon sa naging pahayag ni Trillanes sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Oktubre 24, sinabi niyang hiniling din umano niya sa ICI na ipatawag at imbestigahan ang mga nasabing indibidwal. 

“Ngayong araw, nabigyan ko na ang ICI ng kopya ng aking plunder complaint laban kay Bong Go. Hiniling ko rin sa ICI na ipatawag at imbestigahan si Bong Go kasama ang tatay at kapatid nya,” saad ni Trillanes sa caption ng kaniyang post. 

Photo courtesy: Antonio 'Sonny' Trillanes IV (FB)

Photo courtesy: Antonio "Sonny" Trillanes IV (FB)

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“I am respectfully submitting a copy of the complaint affidavit I filed before the Office of the Ombudsman on October 21, 2025 against former President Rodrigo Duterte, Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, his father Deciderio Lim Go, and his brother Alfredo Go,” mababasa sa liham na ipinadala ni Trillanes sa ICI. 

Matatandaang nauna nang sampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman ni Trillanes sina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Go gayundin sa ama at kapatid nito noong Oktubre 21, 2025. 

MAKI-BALITA: Sonny Trillanes kinasuhan ng plunder si FPRRD, Bong Go, 2 iba pa

May kinalaman umano ang reklamo ni Trillanes sa kaugnayan nina Go at Duterte sa bilyong pisong imprastraktura na iginawad sa CLTG Builders at Alfrego Builders na pag-aari ng ama at kapatid ng senador.

Dagdag pa rito, ang relasyon umano ni Go sa dating pangulo ang nagsilbing daan para maibigay sa dalawang binanggit na construction firm ang  proyektong nagkakahalaga ng ₱7 bilyon.

MAKI-BALITA: Trillanes hinamon si Go: 'Kasuhan mo rin ako!'

Mc Vincent Mirabuna/Balita