Naglabas ng pahayag ang TBA Studios matapos maghuramentado ang apo ni dating Pangulong Manuel Quezon na si Ricky Avancena sa ginawa nilang pelikula tungkol sa lolo nito.
Ang “Quezon” ang huling pelikula sa trilohiya ng “Bayaniverse” ng TBA Studios na sila ring nasa likod ng “Heneral Luna” at “Goyo: Ang Batang Heneral.”
Sa latest Facebook post ng TBA Studios nitong Biyernes, Oktubre 24, iginiit nilang nakatuntong ang pelikulang “Quezon” sa mga historikal na tala.
“While we respect and understand his sentiments, we wish to reiterate that the film is grounded in verified historical accounts, including President Quezon’s own autobiography and other reputable sources,” saad ng production company.
Dagdag pa nila, “While the film includes fictional elements for thematic purposes, the facts and details presented in the film are easily verifiable through public records, online research, or library resources.”
Ito ang dahilan kung bakit naglunsad ang TBA Studios ng Study Guide at Companion Book na may kasamang komprehensibong listahan ng mga libro at sanggunian na ginamit sa pananaliksik ng pelikula.
Anang production company, “We encourage everyone to watch the movie so they can form their own opinions and join the ongoing conversation about the film, our history, and how it continues to resonate today.”
“We hope that #QUEZON can continue to inspire meaningful dialogue, reflection, and a deeper appreciation of our nation’s past," dugtong pa ng TBA Studios.
Matatandaang naghayag ng pagakadisgusto si Ricky sa pelikulang “Quezon” ni Jerrold Tarog sa ginanap na screening at talkback session nito sa Power Plant Mall sa Makati.
Maki-Balita: ‘Mga kupal kayo!’ Apo ni Quezon, inalmahan bagong pelikula ni Tarog
Nakilala si Quezon sa kasaysayan bilang unang pangulo ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Commonwealth.
Siya rin ang itinuturing na "Ama ng Wikang Pambansa" dahil sa panahon ng kaniyang administrasyon isinulong ang pagkakaroon ng wikang panlahat sa bansa.
Pero bago pa man ito ay kasama siyang nakidigma nang sumiklab ang Philippine-American War noong 1899.