December 15, 2025

Home SHOWBIZ

Sey ni Dennis Trillo sa mga korap: 'Done na pong magbayad ng tax, pwede nang nakawin'

Sey ni Dennis Trillo sa mga korap: 'Done na pong magbayad ng tax, pwede nang nakawin'
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Pabirong pinasaringan ni Kapuso Drama King Dennis Trillo ang talamak na korupsyong nagaganap ngayon sa bansa. 

“Done na po magbayad ng tax nung isang araw. Pwede niyo nang nakawin ulit,” saad ni Dennis sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Oktubre 24.

Photo courtesy: Dennis Trillo (FB)

Photo courtesy: Dennis Trillo (FB) 

Samantala, kinatuwaan naman ng netizens ang naturang pahayag ng aktor. 

Angelica Panganiban nagsising ni-reject Four Sisters and a Wedding role: 'Di naging maganda ending namin ni Angel’

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa post ni Dennis: “DPWH: noted.” 

“The motto ‘BIR is our silence business partner’”

“Naku naman idol binusog mo na naman ang mga SENADOR AT CONTRUCTOR,, tuwang tuwa na naman sila nyan sayo po Dennis Trillo”

“Coming na to collect your tax salamat”

“Thank you. - from a Nepo baby.” 

“No need to remind po, matic yan sila”

“Noted and will do the needful. - crocs politician”

“Salamat daw po sir Dennis Trillo, may pang wagyu at pang Birkin napo mga nepo babies natin.” 

Mc Vincent Mirabuna/Balita