December 13, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

‘Mga kupal kayo!’ Apo ni Quezon, inalmahan bagong pelikula ni Tarog

‘Mga kupal kayo!’ Apo ni Quezon, inalmahan bagong pelikula ni Tarog
Photo Courtesy: Ricky Avancena, TBA Studios (FB)

Naghayag ng pagkadisgusto ang isa sa mga apo ni dating Pangulong Manuel Quezon na si Ricky Avancena sa pinakabagong pelikula ni Direk Jerrold Tarog na pumapaksa sa buhay ng kaniyang lolo.

Ang “Quezon” ang huling pelikula sa trilohiya ng “Bayaniverse” ng TBA Studios na sila ring nasa likod ng “Heneral Luna” at “Goyo: Ang Batang Heneral.”

Sa isang Facebook post ni Ricky nitong Biyernes, Oktubre 10, sinabi niyang pinanood niyang muli ang “Quezon” sa ikatlong pagkakataon at lumahok sa question and answer session.

“My only question was to the Director Jerrold Tarugo.'Was this film political satire or not?' He said yes but tried to wiggle away from the question. Kesyo dis kesyo dat. Sabi ko, ‘Satire, may definition, (parang fortwith), satire, di nagbibiro lang pala kayo?” lahad ni Ricky.

Pelikula

Avengers: Endgame, balik-sine sa 2026!

“At this point Jericho Rosales stood up and told me to stop talking,” pagpapatuloy niya. “That other people had questions. So ayaw nila marinig ang opinyon ng isang direct descendant?”

Dagdag pa ni Ricky, "[N]ilalako nila ang pambababoy sa alaala ng mga taong patay, at di nila ako hahayaan na magpahayag ng damdamin at ipagtanggol sila? [...] Well ang ending, sabi ko, 'Sige, but allow me to channel my Lolo. Punyeta, mga kupal kayo!'"

Gayunman, nilinaw ng apo ng dating pangulo na hindi niya pinipigilan ang sinoman na panoorin ang pelikula ni Tarog.

“Watch it, and then join me in a social media defense mga Quezon followers.Nobody said he was a hero, so labas sya sa kabaduyan ng 'Bayaniverse'. He was a President, and the best ever most incorruptible,” pahabol ni Ricky.

Matatandaang nakilala si Quezon sa kasaysayan bilang unang pangulo ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Commonwealth. 

Siya rin ang itinuturing na "Ama ng Wikang Pambansa" dahil sa panahon ng kaniyang administrasyon isinulong ang pagkakaroon ng wikang panlahat sa bansa. 

Pero bago pa man ito ay kasama siyang nakidigma nang sumiklab ang Philippine-American War noong 1899.

Kaugnay na Balita: Jericho Rosales, gaganap bilang Manuel Quezon