December 14, 2025

Home BALITA Metro

Mga ahensya, handa nang mag-‘full force’ para sa Undas 2025

Mga ahensya, handa nang mag-‘full force’ para sa Undas 2025
Photo courtesy: MMDA (FB), PIA (website)

Pinangunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpupulong ng mga ahensya at lokal na pamahalaan ng Metro Manila noong Huwebes, Oktubre 23, para sa paglalatag ng “Oplan Undas 2025” simula Oktubre 25 hanggang Nobyembre 3. 

Ayon kay MMDA Gen. Manager Usec. Procopio Lipana, mahalaga ang pagtutulungan ng bawat ahensya at local government units para maibsan ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko at dagsa ng publiko sa mga sementeryo. 

Kaya kasama ang Highway Patrol Group (HPG), Philippine National Police (PNP), Department of Transportation (DOTr), North Luzon Expressway (NLEX), at South Luzon Expressway (SLEX), napagkasunduan ang agarang paglalagay ng mga help desk, pulis, at traffic personnel sa mga bus terminal at sementeryo sa Kalakhang Maynila simula Oktubre 29. 

Sa karagdagang ulat, mahigit-kumulang 2,403 MMDA personnel ang idi-deploy sa implementasyon ng “Oplan Undas 2025,” ay dito rin ay mayroon silang “no day-off, no absent” policy para matiyak ang maayos at ligtas na undas. 

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Ayon din sa MMDA, ang kanilang pinaka-target na bantayan ay ang Manila North Cemetery, Manila South Cemetery, Bagbag Public Cemetery, Loyola Memorial Park sa Marikina, at San Juan Public Cemetery.

Bukod pa rito, tutulong din daw ang MMDA Metro Parkways Clearing Group sa cleaning operations sa ilang mga sementeryo sa Metro Manila. 

Sean Antonio/BALITA