December 15, 2025

Home SHOWBIZ

Mamahaling relo ni Manny, ‘di galing sa flood control projects

Mamahaling relo ni Manny, ‘di galing sa flood control projects
Photo Courtesy: Roy Bacalso (FB)

Nagbigay agad ng paglilinaw si “Pambansang Kamao” at dating Senador Manny Pacquiao tungkol sa suot niyang relo.

Sa isang Facebook reels ni Roy Bacalso kamakailan, mapapanood ang video kung saan makikitang nakaupo ang “Pambansang Kamao” kasama ang misis nitong si Jinkee Pacquiao. 

Sa nasabing video, nahagip ang mamahalin at kumikinang-kinang na relong suot ni Manny.

“Hindi ‘yan flood control, ha,” anang boksingero.

Relasyon at Hiwalayan

Aljur, pinag-ingat si Kylie sa mga magiging manliligaw

Umani tuloy ito ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"never na sumama sa flood control si sir manny mas madami pang pera yan kaysa mga ng flood control"

"Iba talaga ang pinag hirapan hindi galing sa kurakot Nakaw kaban ng Bayan"

"Tama Dugo't pawis lahat ng yaman ni Manny. Mapagkumbaba sa tao. At humble"

"Malaki pa nga,,ang naitulong nya,,eh bawat laban nya,,medun pa syang taxx kahit galing sa ibang bansa yung,,milyones nya"

"Pag mapera ka talaga shining ka sa mga tao...Pero pag poor ka...basura ka sa ating lipunan..."

"Pinaghirapan, hindi nakaw"

"hindi galing sa nakaw yan, blow, blood, sweat and tears galing."

"Pinagpala siya ng panginoong dahil mabait hindi mayabang.."

Matatandaang mula nang pumutok ang isyu tungkol sa maanomalyang flood control projects ay tila naging mainit ang mata ng publiko sa mga personalidad na todo-flex ng kanilang yaman.

Basahin: ALAMIN: Ang terminolohiyang 'nepotismo' at pag-usbong ng 'nepo babies'