December 13, 2025

Home SPORTS

'Lusot na!' Enrile, Napoles, atbp, acquitted na sa PDAF scam

'Lusot na!' Enrile, Napoles, atbp, acquitted na sa PDAF scam
Photo courtesy: via MANILA BULLETIN

Tuluyan nang pinawalang-sala ng Sandigangbayan si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa natitira niyang graft charges kaugnay ng P172.8 milyong public funds na nauugnay sa pork barrel scam.

Kabilang sa mga kasama ni Enrile na pinawalang-sala ng anti-graft court’s Special Third Division ay sina Janet Lim Napoles at dating chief of staff ni Enrile na si Jessica Lucila "Gigi" Reyes.

Ang PDAF scam ay pumutok noong 2013 kung saan ilang mga politiko umano ang napag-alamang naugnay sa maanomalyang paggamit ng kani-kanilang pork barrel.

Sa ilalim ng nasabing scam, naidiin ang pangalan ni Napoles bilang isang businessman na sumasalo sa mga alokasyon ng PDAF ng mga politiko para sa mga bogus o pekeng non-government organization (NGOs).

Ranking ng Pilipinas, patuloy pagratsada sa 33rd SEA GAMES 2025

Matatandaang noong 2013 nang makasuhan ng plunder sina Enrile bunsod ng maanomalyang paggamit ng kaniyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) mula 2004 hanggang 2010.

Habang si Napoles naman ay na-convict ng plunder noong 2018 kaugnay naman ng pork barrel funds ni dating senador Bong Revilla.

Maliban kina Enrile, nauna nang ma-acquit sina Revilla at ngayo'y senador na si Sen. Jinggoy Estrada.