December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Lovi Poe, isinilang na panganay nila ni Montgomery Blencowe

Lovi Poe, isinilang na panganay nila ni Montgomery Blencowe
Photo Courtesy: Lovi Poe (IG)

Winelcome ni “Supreme actress” Lovi Poe ang first baby nila ng mister niyang si Montgomery Blencowe.

Sa latest Instagram post ni Lovi nitong Biyernes, Oktubre 24, ibinahagi niya ang video clip habang karga niya ang sanggol.

“The moment I met you, instinct took over. Welcome to the world, my love,” saad ni Lovi sa caption.

Umani ng pagbati ang nasabing post mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

"Congratulations and how to achieve that 'parang hindi man lang na nganak' look "

"Grabeee naman Ms Lovi, parang hindi nanganak. Ang sexy pa rin agad agad. Congratulations po sa inyo ni Hubby. God Bless ur beautiful family!"

"Parang umutot lang sha sa part na yan"

"So precious! Congratulations!! Wishing you lots of comfort while you rest and recover!! "

"Congratulations babe!!!!! So happy for you and Monty"

"Congratulations dear Lovi!!!"

"Beauties "

"Awww Best feeling ever! Congrats Lov "

Matatandaang Setyembre nang isiwalat ni Lovi ang kaniyang baby bump sa publiko nang maging endorser siya ng isang sikat na clothing brand.

Maki-Balita: Lovi Poe, ibinalandra ang baby bump!

Pero bago pa man ito, natunugan na ng netizens ang pagbubuntis ng Supreme actress dahil tila aksidenteng naibunyag ni Kapuso Star Carla Abellana ang tungkol dito.

Maki-Balita: ‘Titang walang pake sa reveal?’ Carla, kinuyog matapos unahang isiwalat pagbubuntis ni Lovi