Opisyal na inilunsad ang programang “Libreng Sakay sa Edukasyon sa Liga ng mga Barangay” sa Davao City noong Huwebes, Oktubre 23.
Sa isang Facebook post ng “Lantaw ni Bay” noon ding Huwebes, makikita ang mga larawan ng mga nakahilerang sasakyan na gagamitin para sa nasabing programa.
Ayon dito, layunin umano ng programa na matulungan ang mga estudyanteng malalayo ang bahay sa paaralan para mapadali ang pagpasok.
Matatandaang noong Hulyo 2025 ay inilunsad din ng Department of Transportation (DOTr) ang “Libreng Sakay” program para sa mga komyuter ng Davao.
"We will try to open new routes. Our passengers here suggested that more routes are needed here. We will add more routes in Davao City and other major cities," saad ng noo’y DOTr Sec. Vince Dizon.