December 13, 2025

Home BALITA National

ICC, binasura hamon ng kampo ni FPRRD kaugnay sa hurisdiksyon ng Korte

ICC, binasura hamon ng kampo ni FPRRD kaugnay sa hurisdiksyon ng Korte
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO

Hindi tinanggap ng International Criminal Court (ICC) ang hamon ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa tribunal’s jurisdiction ng nasabing hukuman kaugnay sa madugong giyera kontra droga sa kaniyang panunungkulan noon. 

Ayon sa inilabas na desisyon ng ICC Pre-Trial Chamber I noong Huwebes, Oktubre 23, sinabi nilang hindi naapektuhan ang pag-alis ng Pilipinas bilang miyembro ng Rome State sa ICC ang hurisdiksyon ng Korte kaugnay sa naganap na war on drugs noon. 

“As a result of the Prosecution’s preliminary examination having commenced prior to both the Philippines depositing its written notification of withdrawal from the Statute and the date on which that withdrawal became effective, the Chamber finds that the Court can exercise its jurisdiction in the present case over the crimes alleged against Mr. Duterte that were committed on the territory of the Philippines while it was a State Party,” saad ng ICC. 

Idiin nilang hindi raw maaaring abusuhin ng Pilipinas ang karapatan nilang tumiwalag bilang miyembro ng Rome Statue para depensahan ang isang indibidwal sa kaugnayan nito sa isang krimen na kasalukuyan nang naimbestigahan. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Tungkol ito sa argumento ng legal team ni FPRRD na pinangungunahan ni Atty. Nicholas Kaufman kung saan sinabi nilang walang awtoridad ang ICC na ituloy ang kanilang imbestigasyon dahil nakaalis na umano ang bansa bilang miyembro ng ICC bago ito simulang busisiin ang madugong giyera kontra droga. 

Matatandaang nag-anunsyo ang ICC noon ng paunang pagbusisi sa sitwasyon ng Pilipinas noong Pebrero 2018 bago pa man ipinag-utos ni FPRRD ang pagtiwalag ng bansa sa mga sumunod na buwan. 

Hindi naman tinanggap ng hukuman ang apela ng kampo ni FPRRD dahil sapat na umano ang isinagawang paunang pagsusuri nila noong 2018 para isailalim sa konsiderasyon ang “krimeng” kinasangkutan ng dating pangulo bago tumiwalag ang Pilipinas sa ICC. 

Ibinasura ng International Criminal Court (ICC) ang hamon ng kampo ni dating pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng hurisdiksyon ng korte sa kaso niyang crimes against humanity dahil sa war on drugs.

Samantala, wala pa namang opisyal na petsa ang isasagawang pagdinig ng ICC para sa kumpirmasyon ng mga kasong isasampa kay FPRRD habang hinihintay pa ang resolusyon ng kaniyang pagiging “fit to stand trial.” 

Mc Vincent Mirabuna/Balita