December 12, 2025

Home SHOWBIZ Events

Hindi Kapuso: Andrea Brillantes, certified Kapatid na!

Hindi Kapuso: Andrea Brillantes, certified Kapatid na!
Photo courtesy: MQuest Ventures/IG

Excited na ang dating Kapamilya star na si Andrea Brillantes sa next chapter ng career niya matapos pumirma ng kontrata sa MQuest Ventures na pagmamay-ari ni TV5 owner Manny Pangilinan, nitong Huwebes, Oktubre 23.

Kasama sina Pangilinan, ilang ehekutibo ng network, at manager na si Shirley Kuan, tuluyan na ngang lumundag sa Kapatid Network si Andrea, at tinuldukan ang mga kumakalat na espekulasyong sa GMA Network siya lilipat at magiging solid Kapuso na.

Sa panayam sa kaniya ni TV5 showbiz news reporter MJ Marfori, sinabi ni Andrea na abangan ng fans at supporters ang mga gagawin niya sa MQuest Ventures, na more on pelikula.

Ayon kay Blythe, mas bet daw niyang gumawa ng movies sa ngayon dahil halos teleserye na ang mga nagawa niya. Balak din niyang mas bigyang-pansin ang genre niya pagdating sa action, dahil nag-enjoy siya sa ginawa niya sa "FPJ's Batang Quiapo."

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Ang action-drama series na pinagbibidahan at dinidirek ni Coco Martin ang huling proyekto niya sa ABS-CBN, bago pinatay ang karakter niya rito at umugong ang mga bali-balitang may posibilidad na lumipat na siya ng network at maging Kapuso.

Kaya naman nagulat ang karamihan sa mga netizen nang bumulaga ang balitang sa TV5 na siya, dahil hindi ito kasama sa mga lumutang na tsika.

Matatandaang kumalas sa Star Magic si Andrea noong Pebrero 2025.

KAUGNAY NA BALITA: Andrea Brillantes 'new era' pag-alis sa Star Magic, mananatili pa bang Kapamilya?

Kung babalikan, noong 2023 ay pumirma pa ng kontrata si Andrea sa ABS-CBN.

Sa panayam daw sa kaniya ni ABS-CBN showbiz news reporter MJ Felipe, sinabi ni Blythe na different era na ito para sa kaniya at bukas siya sa iba't iba eksplorasyon pagdating sa kaniyang career.

Ang unang proyekto ni Andrea sa Kapamilya Network ay bilang child star, sa seryeng "Annaliza" noong 2013.