December 13, 2025

Home BALITA

BOC, ila-livestream auction sa luxury cars ng mga Discaya

BOC, ila-livestream auction sa luxury cars ng mga Discaya

Nakatakda nang ipa-auction ng Bureau of Customs ang pitong luxury cars ng mag-asawang kontraktor na sina Curlee at Sarah Discaya.

Sa isang radio interview nitong Biyernes, Oktubre 24, 2025 iginiit ni BOC Deputy Chief of Staff Atty. Chris Noel Bendijo niyang nakatakdang magsimula ang auction sa Nobyembre 15 na nakatakda ring i-livestream.

“Hindi na nila linalaban ‘yung epekto ng warrant…Hopefully, we will start the process of restitution by November 15,” ani Bendijo.

Bukas din umano sa publiko ang nasabing auction ngunit kailangan muna nilang magbayad at magpa-register.

Truly blessed! VP Sara, thankful sa mga DDS na alam ang paninira at katotohanan

Kasama na rin daw sa auction process ang pagpapa-rehistro ng nasabing mga sasakyan sa Land Transportation Office (LTO).

“This is a revenue generation activity and it will go to the forfeiture fund…and eventually the Treasury,” saad ni Bendijo.

Matatandaang noong Oktubre 16 nang unang ihayag ng ni  ICI Executive Director Brian Hosaka ang nakatakda nilang pagpapa-auction sa mga luxury cars ng mga Discaya.

"Which now gives them right, gives the right for them to auction it off. So in a couple of weeks, I think, according to Commissioner Nepomuceno,” ani Hosaka.

Dagdag pa niya, “They're just going through the process of approval with the DOF and they will be auctioning this off. In that case, there will be an immediate recovery.”

KAUGNAY NA BALITA: ‘Bye-bye na?' 13 luxury cars ng mga Discaya, ipapa-auction na ng BOC

Tinatayang nasa ₱100 milyon ang hindi nabayarang buwis nang bilhin ng mag-asawa ang mga naturang sasakyan.

Iniulat din ng BOC na karamihan sa mga nakumpiskang sasakyan ay walang rekord ng binayarang duties at taxes.

KAUGNAY NA BALITA: Customs, nakumpiska na 12 luxury cars ng Pamilya Discaya