Wala nang saplot pang-ibaba at nakagapos pa ang mga kamay nang marekober ang bangkay ng isang 17 taong gulang na babae sa Bacolod City.
Ayon sa mga ulat isang tricycle driver ang nakatuklas sa nasabing bangkay ng biktima sa madamong bahagi ng isang reclamation area.
Positibo namang kinilala ng mga kaanak ng biktima ang kaniyang bangkay na isinailalim na rin sa autopsy.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad noong Martes, Oktubre 21 pa raw huling nakitang buhay ang biktima kung saan nagpaalam niyang aalis sa kanilang bahay ngunit hindi na ito nakauwi pa.
Bukod sa pagkakatali ng kaniyang mga kamay, sinasabing nagtamo rin ng mga sugat sa katawan at braso ang biktima.
Samantala patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang posibleng pagkakakilanlan ng suspek.
Kaugnay nito nag-alok na rin P100,000 pabuya si Bacolod City Greg Gasataya para sa sinumang makapagtuturo sa salarin.