December 14, 2025

Home SPORTS

AJ Manas, naharang si Carlo Biado sa Philippines Open Pool!

AJ Manas, naharang si Carlo Biado sa Philippines Open Pool!
Photo courtesy: Matchroom Pool (FB)

Nasilat ng shining Star Boy at Reyes Cup 2025 na si Albert James Manas ang world champion at kasalukuyang rank no. 3 sa World Nineball Tour (WNT) na si Carlo “Black Tiger” Biado noong Huwebes sa Philippines Open Pool Championship.

Natapos ang laban sa pagitan ni Manas at Biado sa score na 10-7, pabor sa batang tirador. 

Ayon sa naging panayam ng Matchroom Pool kay Manas noong Huwebes, Oktubre 23, sinabi niyang masaya siya sa naging laban nila ni Biado. 

“I’m very happy because I beat Kuya Carlo [Biado],” pagsisimula ni Manas, “before we were teammates in the Reyes Cup. [On] the bad side, we [are] supposed to be players of the Philippine Open so we just enjoy the game and I’m looking forward to the next match.”

Ranking ng Pilipinas, patuloy pagratsada sa 33rd SEA GAMES 2025

Pagpapatuloy pa ni Manas, espesyal daw ang nasabing torneo sa kaniya dahil hindi pa niya ito napapanalunan. 

“It’s very special to me if I win this tournament because it is a major tournament I [have] never [won] at [a] major tournament before[...]” saad niya. 

Sa bukod namang panayam ng media kay Biado noong ding Huwebes, ibinahagi naman ni Biado na hindi raw naging maganda ang tumbok niya sa naging laban ni Manas. 

“Sa naging laban namin ni AJ, hindi naging maganda ‘yong performance ko pero pinipilit kong maging maganda kaya lang na-sratch ako nang dalawang beses at ‘yong naging error ko no’ng huli, ‘yon ‘yong tumapos sa laban,” paliwanag ni Biado. 

“Maganda ‘yong naging performance ni AJ. I think puwede siyang manalo dito sa event na ito,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pansisilat ni Manas sa iba pang mga professional players at pasok na siya sa quarters finals ng Philippines Open matapos niyang talunin si Paolo Gallito. 

Kasunod niyang makakaharap si Jayson “Eagle Eye” Shaw ng Great Britain at kasalukuyang rank no. 17 sa WNT. 

MAKI-BALITA: ‘Malayo mararating ng bata!’ Carlo Biado, tiwalang magiging world champion si AJ Manas sa hinaharap!

MAKI-BALITA: Django Bustamante, di rin inakalang matatalo world’s no. 1 sa edad na 61

Mc Vincent Mirabuna/Balita