December 13, 2025

Home SHOWBIZ

'Vice, galing!' Melissa De Leon ng Apo Girls, pinasalamatan Unkabogable Star sa paglaban sa korupsyon

'Vice, galing!' Melissa De Leon ng Apo Girls, pinasalamatan Unkabogable Star sa paglaban sa korupsyon
Photo courtesy: Janno & Bing (YT), BALITA FILE PHOTO

Nagawang pasalamatan ng aktres at dating TV Host ng Sa Linggo nAPO Sila na si Melissa De Leon ang Unkabogable Star, aktor, at komedyanteng si Vice Ganda tungkol sa pagbatikos umano nito sa korupsyong nagaganap sa Pamahalaan sa nakaraang malawakang kilos-protesta noong Setyembre 21, 2025. 

Ayon sa ibinahaging part two video vlog ng aktor at singer na si Janno Gibbs sa kaniyang YouTube nitong Miyerkules, Oktubre 22, nakapagbahagi rin ng kaniyang saloobin ang isa pang miyembro ng APO Girls at TV host na si Amy Perez kaugnay sa korupsyon. 

“Ako kasi dahil may work ako sa radio, I have to stay in a balance situation and in a neutral situation. Pero nitong recent na mga pangyayari[...] hindi ako sumali doon sa rally but I was very active sa social media[...] Nag-tweet din ako, ‘hindi n’yo ba naiisip ‘yong nararamdaman ng magulang n’yo? ‘[Pinag-aral] kayo para maging magaling na inhenyero, hindi para magnakaw,’ sey ni Amy. 

Matapos nito, umentrada naman si Melissa at direktang pinasalamatan ang Unkabogable Star na si Vice.

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

“Nagpapasalamat ako. Vice, galing! Nasabi mo ‘yong gusto kong sabihin!” pagsisimula ni Melissa. 

“Tayo na lang dalawa ‘yon, hindi nila naiintindihan ‘yon,” pahabol pa niya. 

Samantala, sunod namang nagbahagi ng kaniyang saloobin si Agot Isidro kaugnay sa dapat umanong gawin ng taumbayan sa pagpili ng mamumuno sa bansa. 

“Always ‘yan. Pero kailangan it should come from us, ‘yong pagbabago. Siguro dapat talaga [ang] matutunan natin ay pumili nang tama, malinis na leader. ‘Yong iboboto natin, ‘yong ilalagay natin sa puwesto, dapat kilala mo [at] dapat walang kaso,” saad ni Agot. 

Ang Sa Linggo nAPO Sila ay isang television variety show sa Pilipinas na inere sa ABS-CBN noong 1990’s kung saan pinangunahan ito ng mga miyembro ng Apo Hiking Society at APO Girls na kinabibilangan nina Melissa, Amy, Agot, Kris Aquino, Bing Loyzaga, Michelle van Eimeren, at iba pa. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita